Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/07

Tagalog News: Paghahanda kontra El Nino ngayong 2010, sinimulan na

Malolos City (7 January) -- Sinimulan na ng pamahalaan at ng sektor ng agrikultura angpaghahanda sa nakaambang pagdating ng tagtuyot o El Nino sa bansa ngayong 2010.

Patunay dito ang isasagawang proyekto at programa upang maibsan ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasaka at seguridad sa pagkain

Kaugnay nito, binuo ng Department of Agriculture (DA) ang Task Force El Nino na siyang magpapatupad ng limang programa kontra tagtuyot tulad ng pagsasagawa ng Cloud Seeding, pagtatayo ng mga Shallow Tubes o balon, paglalagay ng mga rain pumps at motor ng patubig, konstruksiyon ng mga maliliit na imbakan ng tubig, pagdebelop ng mga water springs, subsidiya ng binhi at pataba para sa mga magsasakang maaapektuhan, at pagkakaloob ng alternatibong kabuhayan sa mga magsasaka maliban sa pagtatanim, tulad ng hog racing at livestock dispersals.

Sesentro sa 23 lalawigan sa bansa, kabilang na ang Bulacan, na may mayayaman at malalawak na sakahan o mga tinatawag na "vulnerable areas", ang implementasyon ng naturang El Nino Mitigation Program.

Ayon kay Undersecretary Bernie Fontevella ng DA, naglaan na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng P2.5 bilyon bilang pondo para sa implementasyon ng nasabing programa.

Pinangangambahang pangunahing maaapektuhan ng El Nino ang mga pananim na palay at mais. Apektado rin dito ang mga magniniyog at magtutubo na nagpoprodyus ng Asukal. Maging ang sektor ng paghahayupan o livestock, ayon sa DA, ay hindi makakaligtas sa matinding init na ihahatid ng El Nino. Kasama rin rito ang pagkabahala ng DA na maaapektuhan din ang sektor ng pangisdaan dahil sa pagbabagong init ng temperatura ng dagat.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DA na karamihan sa mga proyektong patubig na natapos na. Sa ngayon, tinatapos na lamang ang restorasyon at konstruksiyon ng mga Small Scale Irrigation systems. Isang halimbawa na rito ang kasalukuyang pagkukumpleto sa mga pasilidad ng patubig tula ng nasa Baragay Matang-Tubig at Tarcan sa Baliwag. Iba pa rito ang mga nakahandang pagsagot sa mga 'all weather' na binhi na kung sakali ay maaaring makakuha ang mga apektadong magsasaka.

Samantala, kabilang ang Philippine Crops Insurance Corporation (PCIC) sa mga magkakaloob ng pondo at ayudang ipagkakaloob ng pamahalaan sa mga magsasaka upang maibsan ang paparating na tagtuyot. (PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»2009 inflation within target, registers at 3.2%
»KALAHI-CIDSS covers more than 1M households
»Tourism players see media role in promoting Davao region
»NPAs terrorize Davao Oriental barangays, says military
»Agila Battalion initiates CIVAC
»Feature: Agila Battalion's Christmas outreach program
»National Achievement Test set in March
»PGMA graciously welcomes honor accorded her as adopted daughter of Ifugao
»Philhealth remittance-by-air enables individual members to pay premiums through texting
»Waray-Waray News: PGMA iginmandu nga dagmiton an pagkalsada ha Agusan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines