Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: Higit na maayos at mas matapat na paglilingkod hatid ng Oriental Mindoro ngayong 2010

Calapan City (15 January) -- Sa pagpasok ng taong 2010, tinitiyak ng administrasyon ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang higit na maayos at mas matapat pang paglilingkod para sa lahat ng mamamayang Mindoreņo.

Ito ang buod ng mensahe ni Gobernador Arnan sa kauna-unahang flag raising ceremony sa Kapitolyo noong ikaapat ng Enero, ang unang araw ng opisyal na pagsisimula ng operasyon ng pamahalaang panlalawigan ngayong taon.

"Anumang pagsubok ay ating malalampasan sa ating pagtutulungan at pagkakaisa at sa ating patuloy na pananampalataya sa Panginoon. Sa pagsisimula ng bagong taon, let us renew our pledge to serve our people. Ating sariwain ang ating pangako at mandato para sa maayos at matapat na paglilingkod.

Bagamat kakaunti ang ating pera at we are operating on a re-enacted budget because of the failure of the Sangguniang Panlalawigan to pass our 2010 budget, ay ating pagsasama-samahan ang pagtataguyod ng lahat ng mga programang pangkaunlarang nararapat para sa mga mamamayan. Sa hindi pagkaka-apruba ng ating budget ay medyo mapipilay ang pagkakaloob natin ng serbisyo.

Kasabay ng aking pasasalamat sa minorya ng SP na sina Bokal Abraham Abas, Bokal Butch Soller, Bokal Jun Buenaventura, Bokal Robert Concepcion at Bokal Chin Mendoza na nagsusulong na ito ay talakayin at maipasa na sa sesyon, ay ang aking panawagan sa iba pang kasapi ng sanggunian na huwag i-delay ang pagpapasa ng ating taunang budget sa hindi natin malamang kadahilanan.

Sa hindi pagkaka-apruba ng 2010 budget ay napakaraming serbisyo at proyekto para sa mga barangay ang maaantala at mabibinbin na makaaapekto sa mga mamamayan. Maaantala rin ang mga benepisyo ng mga kawani ng Kapitolyo kabilang ang inaasahan nang 25% salary increase na dapat ay matatanggap simula ngayong January 1. Kaya't tayo po ay patuloy na nananawagan sa ating Sanggunian na ang tingnan ay ang pangangailangan ng mga kawani at ng mga barangay at hindi ang anupamang bagay," ayon sa Gobernador.

Isang malaking hamon para sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, na sa kabila ng lahat, sa masigasig at mapagkakatiwalaang pamumuno ni Gobernador Arnan, ay maipagkakaloob sa mga mamamayan ang mga serbisyong panlipunan at maititiyak na ang pagpapahalaga at pagtataguyod sa kapakanan at kagalingan ng mamamayang Mindoreņo ang mananatiling laging nasa unahan ng listahan ng mga prayoridad ng pamahalaan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines