Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 March 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: Oriental Mindoro, tuluy-tuloy ang pagseserbisyo-publiko sa taong 2010

Calapan City (15 January) -- Sa kabila ng hindi pagkaka-apruba noong nakaraang taon ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ng taunang budget ng lalawigan para sa taong 2010 tulut-tuloy ang pagseserbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, ang re-enacted budget ng Pamahalaang Panlalawigan ang ginagamit sa patuloy na pag-ooperasyon ng iba't ibang tanggapan at departmento sa Kapitolyo.

Sa re-enacted budget, may mga mahahalagang proyekto at programang pangkaunlaran na maantala at mabibinbin ang pagpapatupad ngayong taon. Kinabibilangan ito ng inaasahang pagtataas ng sweldo ng mga empleyado at iba pang mga malalaking proyekto.

Sa unang sesyon ng SP para sa taong 2010, naging matibay ang paninidigan ng mga kaalyadong Bokal ng administrasyong Panaligan sa pagbibigay-prayoridad sa pag-aaral at pag-aapruba sa taunang budget ng Pamahalaang Panlalawigan, batay na rin sa itinatadhana ng batas.

Ayon kay Bokal Romeo S. Buenaventura, batay sa nasasaad sa Seksyon 323 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991, sa pagkakataong hindi maipasa ng SP ang annual budget sa pagsisimula ng taon, ito ang nag-iisang bagay na nararapat talakayin sa tuluy-tuloy na sesyon ng SP hanggang sa ito ay maaprubahan.

"The failure of the committee to act on the annual appropriation authorizes the entire body in plenary to withdraw the measure from the committee and then re-commit it to the plenary. Automatically, the law mandates that you conduct continuous sessions. It is considered as an unfinished business of the previous session," paliwanag ni Bokal Buenaventura.

Tinukoy naman ni Bokal Ferdinand Thomas M. Soller ang kahalagahan ng pagpapasa ng annual budget ng lalawigan lalo na sa pagpapatupad ng mga mahahalagang proyekto para sa mga mamamayan.

"Nais naming ipaalam sa ating mga mamamayan na mahalaga ang pagpapasa sa ating annual budget, dito napapaloob ang mahahalagang proyekto ng ating Pamahalaang Panlalawigan, at kasama na rito ung dagdag na benefits ng ating mga empleyado dito sa Kapitolyo," ayon naman kay Bokal Soller. Inilinaw naman ni Bokal Abraham R. Abas na hindi ang executive department ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Arnan ang may pagkukulang sa usapin ng pagpapasa ng budget sapagkat ito ay tungkulin ng Sangguniang Panlalawigan na kanyang kinabibilangan.

"Nais nating linawin na hindi ang executive ang may pagkukulang dito, hindi ang ating Gobernador. Kundi kami, kami sa Sangguniang Panlalawigan, dahil hindi namin ipinapasa ang ating budget," paliwanag ni Bokal Abas.

Kasama nina Bokal Buenaventura, Bokal Abas at Bokal Soller sina Bokal Robert Concepcion at Bokal Chin Mendoza sa mga myembro ng Sanggunian na naniniwala na ang pagpapasa sa taunang budget ng Pamahalaang Panlalawigan ang pinakamahalagang legislative measure na dapat matalakay at maipasa sa lalong madaling panahon ng SP, para sa kapakanan at kagalingan ng mga mamamayan ng lalawigan.

Sa kabila ng mga kaganapang ito sa Sangguniang Panlalawigan, mananatili at hindi natitinag ang paninindigan ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang bigyang-halaga at itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayan ng lalawigan ng Oriental Mindoro sa pagtatamasa ng mga pangunahing serbisyong panlipunan na kanilang inaasahan sa oras at panahon ng kanilang pangangailangan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines