Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 19 March 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: 80,000 pamilyang Mindoreņo na ang may libreng health insurance

Calapan City (15 January) -- Sa pagtatapos ng taong 2009, umabot na sa 80,000 pamilya ang benepisyaryo ng health insurance sa ilalim ng PhilHealth Para sa Masa ni Gobernador Arnan.

Pinakahuling mga napabilang sa programa ang 272 pamilya sa Barangay Estrella na pinamumunuan ni Kapitan Allen Aceremo; 216 sa Barangay Barcenaga na pinamumunuan ni Kapitan Allan Balbacal at 159 sa Barangay Del Pilar na pinamumunuan ni Kapitan Ryan Laya.

Ang mainit na pagtanggap kay Gobernador Arnan ng mga taga-barangay ay malinaw na pahiwatig na ang kanyang ipinagkakaloob na programang pangkalusugan ay napakahalaga at tunay na isa sa mga direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang mga naging karanasan ni Ginang Elvesa Payalago, ang mag-asawang sina Jerry at Litang Mortel at ni Ginang Lailya Atienza ang mga patunay na epektibo at nakatutulong ang Philhealth Para sa Masa ni Gobernador Arnan taliwas sa sinasabi at nais na ilan na ito ay itigil.

Ang pitong taong-gulang na anak ni Ginang Paylago na si Chucky ay isang buwang na-ospital dahil sa impeksyon sa baga at P400 lang ang binayaran sa ospital. Si Jerry Mortel ay na-ospital dahil sa ulcer samantalang ang asawa niyang si Litang na na-aksidente sa tricycle at na-confine sa Provincial Hospital ay nakalabas sa ospital na walang binayaran kahit singko. Inoperahan naman dahil sa appendicitis ang asawa ni Ginang Atienza at P24,000 lamang sa kabuuang P59,000 ang kanilang binayaran sa isang pribadong ospital. "Sila ang mga buhay na patunay na nakatutulong ang Philhealth," ayon kay Gobernador Arnan.

Ang paulit-ulit namang pasasalamat ng mga kapitan ng barangay na mga tunay na nakababatid sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan ay maliwanag na patunay na epektibo ang programang pangkalusugan ng administrasyong Panaligan.

"Ito ang ang tiket sa ating pangangailangang medikal sa mga hindi inaasahang pagkakataon na tayo ay magkakasakit at mao-ospital. Talagang napakalaking tulong nito sa mga katulad nating mahihirap na mamamayan," ayon kay Kapitan Aceremo.

Kasama ng gobernador sa pagkakaloob ng nasabing programang pangkalusugan ang mga magiging katuwang niya sa higit pang pagtataguyod ng kaunlaran ng lalawigan na sina Calapan City Vice Mayor Rafael Infantado, Bokal Robert Concepcion, Bokal Abraham Abas, Victoria Municipal Councilor Michael Malaluan at Naujan Municipal Councilor Ryan Arago.

Si Vice Raf, na siyang napiling bise-gobernador ni Gobernador Arnan, ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa malaking tulong ng health insurance sa pagkakaospital ng kanyang ina.

"Ang aking ina ay na-ospital nang bumaba ang kanyang blood sugar. Kahit maliit lang naman ang kanyang naging bill sa ospital ay ginamit ko ang aking Philhealth kaya't P1,200 lamang ang aking binayaran. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ng iba na hindi naman nakatutugon sa pangangailangan ng mamamayan ang ganitong health insurance. Ako na mismo ang makapagpapatunay na napakahalaga ng programang ito ni Governor Arnan," ayon kay Vice Raf. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines