Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 March 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: May iba't ibang livelihood trainings para sa mga Mindoreņo

Dagdag-Kita, Tulong-Pangkabuhayan

Calapan City (15 January) -- Malaking tulong para sa dagdag-kabuhayan ng libu-libong Mindoreņo ang serye ng mga isinasagawang pagsasanay tulad ng reflexology, cosmetology at shielded metal arc welding na pinangangasiwaan ni Securities and Exchange Commissioner Tady Venturanza sa iba't ibang panig ng lalawigan.

Sa Buktot Beach sa bayan ng Mansalay, natipon kamakailan para sa kanilang general assembly ang humigit-kumulang sa 1,000 benepisyaryo ng mga pagsasanay na ito.

Dito, pinasalamatan ni Gobernador Arnan si Commissioner Tady na naghahangad na higit pang makapaglingkod sa mga mamamayan ng Mansalay at karatig-bayan bilang kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Oriental Mindoro, sa kanyang pagsasagawa ng mga nabanggit na mahahalagang pagsasanay. Binigyang-diin pa ng Gobernador na mahalaga ang pagsasagawa ng mga katulad na pagsasanay upang mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga mamamayan.

Ipinaliwanag pa niya na tulad ni Commissioner Tady, patuloy din ang pagbibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng mga katulad na pagsasanay sa iba't ibang panig ng lalawigan na naglalayong matulungang maiangat ang kabuhayan ng mga Mindoreņo.

Naging pagkakataon din ang gawain upang maipahayag ng Gobernador ang iba pa niyang mahahalagang proyektong pangkaunlarang naipatupad na para sa bayan ng Mansalay.

Nakiisa rin sa gawain sina Vice Mayor Raf Infantado, ang magiging katuwang ni Gobernador Arnan bilang kanyang bise-gobernador sa halalan sa Mayo.

Binigyang-diin naman ni Roxas Councilor Jocelyn Solabo na naghahangad maging Bokal ng ikalawang distrito ng lalawigan, na naniniwala siya sa kakayahan, katapatan at kasipagan nina Gobernador Arnan at kanyang mga kasamahan sa partido upang patuloy na maitaguyod ang kapakanan ng bawat Mindoreņo.

Nakiisa rin sa gawain ang mga opisyal ng barangay at bayan ng Mansalay, gayundin sina Joel Maliwanag at Konsehal Jim Trajico na magtutuwang sa pagtakbo bilang Mayor at Vice-Mayor ng Mansalay. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines