Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: BPATs katuwang ng Oriental Mindoro sa katahimikan at kaayusan ng bawat barangay

Calapan City (15 January) -- Mahalaga ang kapayapaan at kaayusan sa isang barangay at nararapat na ang pagtataguyod nito ay pangunahan ng mga opisyal ng bawat barangay.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan nang maging panauhing pandangal sa ginanap na Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) seminar sa Baco gymnasium kamakailan na nilahukan ng mga barangay tanod at mga opisyal ng iba't ibang barangay ng naturang bayan.

Kasama ni Gobernador Arnan na dumalo sa okasyon sina Baco Mayor Graciano Dela Chica at Calapan City Vice-Mayor Rafael Infantado, ang naghahangad na maging katuwang ni Gobernador Arnan sa paglilingkod sa lalawigan, at ang mga kandidatong bokal ng unang distrito na sina Bokal Abraham Abas, PCL Federation President Bokal Robert Concepcion at Naujan Municipal Councilor Ryan Arago.

Sa okasyon, kinilala ng Gobernador ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng barangay bilang frontliner sa pagpapanatili ng katahimikan sa isang barangay. "Kayong mga opisyal ng bawat barangay kasama ang inyong mga tanod ay napakahalaga upang maitaguyod ang kaayusan at katahimikan sa lugar. Kayo ang unang nakakaalam ng sitwasyon at unang mag-aayos sa mga pagkatataong nagkakaroon ng kaguluhan sa inyong mga lugar. Responsibilidad ninyo ang inyong barangay," ayon pa sa gobernador.

Pinapurihan ni Gobernador Arnan ang mga opisyales ng barangay sa aktibo nitong pagbibigay ng serbisyo-publiko sa kani-kanilang nasasakupan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng kanilang barangay. Nangako ang Gobernador na buo ang magiging suporta niya sa BPATs.

Sinabi naman ni Vice Raf na dapat na manguna ang mga opisyales ng bawat barangay sa pagganap sa tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng isang barangay.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Baco Mayor Dela Chica kay Gobernador Arnan sa pagkalinga sa kanyang mga kababayang Bacoeno sa marami nang proyektong naipagkaloob nito sa kanilang bayan.

Sa pagtatapos ng naturang seminar, nanumpa kay Gobernador Arnan ang mga nahirang na opisyales na mamumuno sa mahigit 100 kasapi ng samahan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines