Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/15

Tagalog News: Pamahalaan: Bababa ang insidente ng gutom

by RM Padua

Manila (15 January) -- Bababa sa susunod na mga buwan ang insidente ng gutom sa bansa dahil sa patuloy na pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga pasilidad na nasira ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong nakaraang taon.

Ito ay ayon sa obserbasyon nina NEDA Director Dennis Arroyo at Presidential Spokesperson Gary Olivar sa isang media briefing kahapon.

Dagdag pa ni Arroyo, ang biglang pagtaas ng insidente ng gutom nitong huli ay sanhi ng pagkasira ng mga pananim at palaisdaan. Dahil dito, walang pinagkakitaan ang mga magsasaka at mangingisda ng ilang buwan. Tumaas din ang mga presyo ng bilihin gaya ng isda, bigas at gulay. Lumubha rin ang kalagayan ng magtaas ng halos 60% ang presyo ng Liquified Petrolium Gas (LPG).

Ayon kay Arroyo, ang paggugol ng pamahalaan sa reconstruction ay mangangahulugan ng benepisyong pang-ekonomiya sa kabayanan.

Nilalabanan din ng pamahalaan ang kahirapan sa pamamagitan ng 15 libong Tandahan Natin outlets, 165 Barangay Bagsakan outlets, at Food-for-School Program para sa halos dalawang milyong mag-aaral sa elementarya at day care.

Pinalawak din nito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nakatulong na sa 700,000 pamilya. (Pia 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Fishing groups support MEDA Bill
»RP export banana industry lauds passage of MEDA Bill
»One Oasis Davao, a best seller for Filinvest
»Homebuilder offers high-end living at affordable rate
»DCWD's "Adopt-a-Site" to save water and watersheds continues
»MDG-FACES launches in Tagum City
»NPAs burn construction equipment in Davao Oriental
»Reds abduct coop chairman, use as human shield in plantation raid
»Rebels, soldiers clash anew
»Waray-Waray News: LTFRB nagpatuman san "smoke free" sa mga sarakyan ngan mga terminal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines