Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 March 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/22

Tagalog News: 27 murrah buffalo, ipamamahagi sa mga magsasaka ng San Miguel sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (22 January) -- Dalawampu't pitong magagandang lahi ng kalabaw ang nakatakdang ipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong buwan ng Enero sa mga magsasaka sa bayan ng San Miguel.

Ayon sa Provincial Agriculture Office ang naturang 27 murrah buffalo ay karagdagang sa may 76 na naunang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga magsasakang Bulakenyo.

Nauna na nga rito ang limang upgraded murrah buffalo na ipinagkaloob noong nakaraang Biyernes (Enero 15) sa Barangay Balaong sa pangunguna ni Gob. Jonjon Mendoza.

Susundan ito ng pito sa Barangay Balite, anim sa Paliwasan, lima sa Masalipit at apat sa Tartaro.

Inaasahang nasa 100 kalabaw pa ang nakatakdang ipamahagi sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Dr. Voltaire Basinang, veterinarian sa Tanggapan ng Pagsasaka, bahagi ito ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalakas ng industriya ng paggagatasan sa lalawigan.

Aniya, ito'y isang paraan upang hindi na mangailangan pang umangkat ng gatas mula sa ibang lugar lalo na ang mga gumagawa ng pastillas at bilang paghahanda na rin sa pagpapalawak ng mga negosyo na gumagamit ng gatas. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»EntrepreNURSE launched in Davao
»DOLE pilots home health-care business in Davao
»ComVal firms up tourism campaign
»Veggie farmers feel effects of global warming
»DPWH pump-priming rojects now almost complete
»NEDA official shares lessons in responding to global crisis
»For 3rd time, GMA-TV is media partner for 2010 Musikahan
»WWII veterans have three weeks left to apply for one-time benefit
»Cebuano News: Director Tambuang: tTungod sa automation, 36 oras human sa botohay bag-ong presidente iproklamar sa COMELEC
»Cerge, PR asset of Arroyo administration - Salceda
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines