Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 24 March 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/26

Tagalog News: PGMA tutungo sa Ilocos Norte, pasisinayaan ang isa pang Presidential Bridge

ni Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (26 January) -- Pasisinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Sarrat Bridge sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte. Darating ang Pangulo sa rehiyon 1 bukas, Enero 27 at una niyang bibisitahin ang Ilocos Norte.

Sasalubungin ang Pangulo ng mga opisyal ng probinsiya sa pangunguna ni Gobernador Michael Marcos Keon, Alkalde Michael Farinas ng Laoag, Kongresista Roque Ablan Jr., at iba pa. Agaran magtutungo si Pangulong Arroyo sa Teatro Ilocandia sa Mariano Marcos State University sa siyudad ng Batac. Magbibigay ang Pangulo ng Regional State of the Nation Address sa harap ng mga opisyal, guro, mag-aaral at publiko.

Matapos ang talumpati, magtutungo si Gng. Arroyo sa bayan ng Sarrat upang pasinayaan ang Sarrat Bridge. Ang nasabing tulay ay isa sa tatlong Presidential Bridges sa buong rehiyon na tinayo sa tulong ng Japanese firm, Toyo. Ang ibang tulay ay ang Banaoang Bridge sa Ilocos Sur; at ang Tagudin Bridge na nagdurugtong ng Ilocos Sur at La Union.

Ang nasabing tulay ay magbibigay ng malaking tulong sa mga mamamayan ng Sarrat at karatig na bayan, lalo na sa larangan ng trade, commerce & industry.

Matapos ang inagurasyon ay lilipad na ang Pangulo patungong Ilocos Sur. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»RP solar-powered car hits Davao
»British aerial spraying expert arrives to help craft operational guidelines in banana farms
»Feature: Crop biofortification, key to achieving Millennium Development Goals
»ComVal hospital income up by 152.66% in 2009
»Gov't bares most common geohazards in Region 8
»Waray-Waray News: DBP bilyon an kinita han 2009
»Waray-Waray News: DBP naghatag hin P2.5B nga cheke kan PGMA
»Waray-Waray News: RP misyon ha Haiti tinawag kan PGMA
»Waray-Waray News: Pilipinas makakabawi na han negosyo ha electronics
»Waray-Waray News: Tulo nga huwes, dineri pagin CJ - Devanadera
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines