Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/28

Tagalog News: 100 aplikante, dumagsa sa isinagawang job fairs ng PESO

by Marion Saligay

Lucena City (28 January) -- Mahigit isandaang katao ang dumagsa sa ginanap na Job Fairs ng Public Employment Service (PESO) ng probinsya na isinagawa sa bulwagan ng kapitolyo noong nakaraang ika 25-26 ng Enero ng taong kasalukuyan.

Ang nasabing job fairs ay tinawag na "Serbisyo Trabaho ng PESO Mula kay Gob. Raffy Nantes" kung saan may 15 katao o aplikante ang mga naging kwalipikado sa Special Recruitment Activity na nagnanais mag-trabaho sa ibang bansa at 32 namang katao ang mga naging kwalipikado sa Local Recruitment Activity para makpagtrabaho sa Calamba, Laguna.

Ang job fair na ito ay dinaluhan ng mga ahensya at kompanya katulad ng Personnel Employment and Technical Recruitment Agency, Inc. para sa mga aplikanteng nagnanais makapag-abroad, kabilang dito ang mga nurse na kinakailangan sa government hospital sa Saudi Arabia, gayundin ang mga engineers at construction workers. Sa ikalawang araw naman ang kompanyang OPTIS Philippines mula sa Calamba. Laguna na dinagsa rin ng mga aplikante mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan.

Ayon kay Gng. Ma. Criselda F. Rodas, Career Guidance coordinator mula sa opisina ng PESO ukol sa bilang ng mga naging kwalipikado para mangibang bayan na may kabuuan lamang na labinlima ay dahil sa kakulangan ng lisensya at karanasan para sa mga nurse at para naman sa mga engineer, hindi kinailangan lisensyado pero kailangan na may karanasan sa napiling propesyon.

Samantala, ang kanilang opisina ay magkakaroon naman ng career guidance sa buwan ng Pebrero para sa mg graduating high school students. Kabilang ditto ang Cotta, Talipan at Dalahican National High School.

Gayundin, magkakaroon pa rin ng job fairs sa mga darating na buwan. Sa ika-5 ng Pebrero gaganapin ang isang job fair sa Manuel S. Enverga University Foundation, ika-15 ng parehong buwan ay sa Padre Burgos, Quezon at sa ika-12 ng Marso isasagawa nila ang malawakang job fairs na dadaluhan ng iba't ibang kompanya. Ayon pa din kay Gng. Rodas, maaari pa ring mabago ang mga petsa ng nasabing job fairs.

Samantala, ang paglikha ng milyong trabaho ay isa rin sa mga pangunahing programa ni Pangulong Arroyo noon pa man at haggang sa kasalukuyan ay ipinatutupad sa tulong iba't-ibang kompanya,mga ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan. (RMO-PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC chief warns gov't employees vs partisan politics
»RP named ASEAN cultural capital for 2010-2011
»Lawmakers ratify MinDA bill
»Muslim women take on peace advocacy roles
»Expert helps FPA improve guidelines on aerial spray
»DAR-8 welcomes new regional director
»ADB interacts with education stakeholders in remote, top-rated school
»LTO chief highlights citizen's charter, road safety advocacy
»Waray-Waray News: Limcaoco naghangyo nga buligan an mga pasamwak para PGMA
»Waray-Waray News: Limcaoco: Pabay-an nga masolbar han mga senador an ira problema
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines