Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/01

Tagalog News: Supporter ng Khos sa Masbate, hinuli sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunition

Masbate (1 February) -- Inihayag kahapon ng Philippine National Police ang pagkakahuli ng isang kilalang supporter ng mga Khos dito sa lalawigan ng Masbate dahil sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunition.

Nalaglag sa kamay ng batas ang isang Ireneo Booc sa isinagawang police operation ng nakaraang sabado sa barangay Flordeluna, bayan ng Cataingan.

Nagtulong ang Commandos mula sa PNP Special Action Force at Intelligence Operatives ng Provincial Command sa paghuli kay Booc. Ang suspect ay incumbent Barangay Captain ng Divisoria, bayan ng Cataingan, at kapatid ng congressional candidate sa ikatlong distrito ng Masbate sa ilalim ng partido ng Pwersa ng Masang Pilipino na si Francisco Booc Jr.

Ang magkapatid na Booc ay kilalang kaanib ng political camp ng mga Khos.

Hinuli si Ireneo Booc sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court sa bayan ng Cataingan na kaugnay sa kasong frustrated murder na isinampa laban sa kanya.

Nahaharap si Booc sa dagdag na kaso ng illegal possession of firearms and ammunition matapos na masamsam sa kanya ang dalawang baril at mga bala nang ihain sa kanya ang Warrant of Arrest.

Ang dalawang baril ay isang.45-caliber pistol na expired ang lisensya at isang.22-caliber airgun samantalang ang mga bala ay tatlong magazines para sa.45-caliber pistol, pitong maikli at tatlong mahabang magazines para sa M16 rifle.

Ang pagkakaaresto kay Booc ay naganap isang araw matapos mangako ang mismong PNP Chief, si Director General Jesus Verzosa, sa isang pulong sa Masbate na sasamsamin ng pulis ang mga baril sa Masbate upang hindi na muli dumanak ang dugo sa mga nagtutunggaling kampo ng mga Khos at Seachons. (PIA Masbate) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Malacanang directs 4Ps in Region 8 to cover 6 provinces
»AHECS kicks off this year, to benefit Albayano studes
»100 Magazine hails Camarines Sur Gov. Villafuerte
»Sorsogon police officer named to TOPWP 2009
»DOST-TRC slates Teknobiz Idea Challenge
»DENR intensifies climate change advocacy
»Police nabs illegal drug pusher in Sorsogon
»Hiligaynon News: Kapulisan gindayaw ni Pangulong Arroyo
»Cebuano News: Palasyo miawhag pagtan-aw sa plataporma sa kandidato ug dili ang kakayahan pagdaog ug mga resulta sa surveys
»Cebuano News: RP, MILF mobalik sa peace talks karong Pebrero 18
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines