Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/01

Tagalog News: 2 opisyal sa Masbate, kwenistyon matapos makalabas ng kulungan ang isang tauhan ng mga Kho

Masbate (1 February) -- Sa kanyang talumpati at media interviews nang nakaraang linggo, nagbabala ang Philippine National Police officer-in-charge sa Masbate, si Senior Supt. Eddie Benigay, na kanyang papanagutin ang sinumang alagad ng batas na hindi tatalima o makikiisa sa kautosan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na panatilihin ang kaayusan sa Masbate na isang election hot spot.

Ito ay ginawa ni Senior Supt. Benigay sa dalawang kaanib ng Bureau of Jail Management and Penology kahapon.

Ipinatawag ni Senior Supt. Benigay sa kanyang tanggapan ang dalawang BJMP officers na kinilalang sina Masbate Deputy Warden Pablo Rosatace at Jail Officer 2 Reynald Versales matapos makalaya sa selda ng BJMP ang isang political leader ng mga Kho sa Masbate.

Ilang oras din na pinigil ang dalawang BJMP officers sa police headquarters at kwinistyon kaugnay ng pagpapalaya kay Ireneo Booc na hinuli ng police commandos at intelligence operatives sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 49 sa bayan ng Cataingan dahil sa pending frustrated murder case laban kay Booc.

Bukod sa frustrated murder case, nahaharap din sa dagdag na kasong kriminal si Booc pagkaraang masamsam sa kanya ang dalawang baril at mga bala nang ihain sa kanya ang warrant of arrest nang nakaraang Sabado.

Ang pag-aresto kay Booc ay bahagi ng kampanya ni PNP Director General Jesus Verzosa na usigin ang mga politiko at political supporters na may pending criminal cases at samsamin ang mga baril sa Masbate upang hindi na muling dumanak ang dugo sa mga nagtutunggaliang kampo ng mga Khos at Seachons.

Ayon naman sa mga BJMP officials, pinalaya nila si Booc alinsunod sa kautusan ng RTC Branch 49 matapos na makapagpiyansa ito para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kasong frustrated murder. (PIA Masbate) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Malacanang directs 4Ps in Region 8 to cover 6 provinces
»AHECS kicks off this year, to benefit Albayano studes
»100 Magazine hails Camarines Sur Gov. Villafuerte
»Sorsogon police officer named to TOPWP 2009
»DOST-TRC slates Teknobiz Idea Challenge
»DENR intensifies climate change advocacy
»Police nabs illegal drug pusher in Sorsogon
»Hiligaynon News: Kapulisan gindayaw ni Pangulong Arroyo
»Cebuano News: Palasyo miawhag pagtan-aw sa plataporma sa kandidato ug dili ang kakayahan pagdaog ug mga resulta sa surveys
»Cebuano News: RP, MILF mobalik sa peace talks karong Pebrero 18
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines