Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/01

Tagalog News: Legal assistance para sa mahihirap niratipikahan ng Senado

by DE Doguiles

Manila (1 February) -- Niratipikahan na ng Senado at Kamara ang Senate Bill 2361 or Legal Assistance to the Poor Act of 2010.

Kung mapipirmahan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang nasabing bill mangangahulungan ito ng kabawasan sa gastusin ng mga mahihirap sa kanilang pakikibakang legal. Layon kasi ng batas na bigyan ng libreng serbisyong legal ang mahihirap mula sa pribadong abugado.

Sa panukalang batas na akda ni Senator Lito Lapid, iaawas sa babayaring buwis ng mga abugado at law firms na magbibigay ng libreng ang serbisyo sa mga mahihirap ang bayad sa serbisyong pro bono.

Ani Senador Lapid, dahil sa panukalang batas na ito inaaasahang maiiwasan na ang sitwasyon na matatalo ang mahihirap sa kaso dahil sa walang pambayad sa di-kampanilyang abugado.

Mababawasan din umano ang bilang ng kasong kailangang balikatin ng Public Attorney's Office.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ang panukala ay lunas para maging balansyado ang justice system ng bansa.

Ayon sa itinakda ng panukalang batas, hanggang 10 porsiyento ang allowable tax deductions na maaring iawas sa buwis ng isang abugado o law firm. Kailangan lang sertipikahan ng Public Attorney's Office, Department of Justice, o ng isang legal aid clinic ang libreng serbisyo ng isang abugado kalakip ang halaga ng nasabing serbisyo. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Malacanang directs 4Ps in Region 8 to cover 6 provinces
»AHECS kicks off this year, to benefit Albayano studes
»100 Magazine hails Camarines Sur Gov. Villafuerte
»Sorsogon police officer named to TOPWP 2009
»DOST-TRC slates Teknobiz Idea Challenge
»DENR intensifies climate change advocacy
»Police nabs illegal drug pusher in Sorsogon
»Hiligaynon News: Kapulisan gindayaw ni Pangulong Arroyo
»Cebuano News: Palasyo miawhag pagtan-aw sa plataporma sa kandidato ug dili ang kakayahan pagdaog ug mga resulta sa surveys
»Cebuano News: RP, MILF mobalik sa peace talks karong Pebrero 18
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines