Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/01

Tagalog News: "Conscience vote" sa C-5 road project: Enrile

Manila (1 February) -- Hiniling ni Senate President Juan Ponce Enrile sa mga kasamahan sa mayorya ang "conscience vote" sa kontrobersiyal na Committee Report 780 bago mag-adjourn ang 3rd regular session ng 14th Congress ngayong linggo.

Ang Committee Report 780 ay nagrerekomenda ng pag-censure kay Sen. Manny Villar at nag-uutos ng pagbabalik ng mahigit PhP6.2 bilyon, na umano'y nawala sa kaban ng bayan dahil sa pag-divert ng mga road project na dumaan sa real estate properties ni Villar sa Las Pinas at Paranaque. Pinasinungalingan ni Villar na mayroong irregularidad sa nasabing deal.

Sa pamamagitan ng isang text message na tinanggap ni Senate Majority Leader Senator Juan Miguel Zubiri, inatasan umano ito ni Senator Enrile na itakda ang schedule ng pagdedebate at final voting ng Committee Report ngayong linggo. Ito umano ay conscience vote at malaya umano ang mayorya na bumoto ng pabor o laban sa report depende sa kanilang makikitang ebidensiya.

Nakatakda ring talakayin ng Senado ang pagpasa ng mga panukalang nasa pangalawa at pangatlo ng pagbasa bago nito talakayin ang pagdedebate sa Committee Report. Karamihan sa mga senador ay nagpahayag na ang pagboto sa Committee Report ay ituturing na conscience voting. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Malacanang directs 4Ps in Region 8 to cover 6 provinces
»AHECS kicks off this year, to benefit Albayano studes
»100 Magazine hails Camarines Sur Gov. Villafuerte
»Sorsogon police officer named to TOPWP 2009
»DOST-TRC slates Teknobiz Idea Challenge
»DENR intensifies climate change advocacy
»Police nabs illegal drug pusher in Sorsogon
»Hiligaynon News: Kapulisan gindayaw ni Pangulong Arroyo
»Cebuano News: Palasyo miawhag pagtan-aw sa plataporma sa kandidato ug dili ang kakayahan pagdaog ug mga resulta sa surveys
»Cebuano News: RP, MILF mobalik sa peace talks karong Pebrero 18
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines