Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/03

Tagalog News: Common Tao Day ni PGMA, ginanap sa Lucena

by Marion Saligay

Lungsod ng Lucena (3 February) -- Mahigit 2,000 residente ng iba't ibang barangay sa Lucena City ang nabigyan ng libreng serbisyong medical, dental at optikal kaugnay ng selebrasyon ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng "Common Tao Day" noong ika-29 ng Enero 2010 sa harapan ng Quezon Medical Center.

Ang nasabing selebrasyon ay ang pagpapatuloy ng tradisyon na pinasimulan ng kanyang ama, si dating Pangulong Diosdado Macapagal kung saan isinagawa ang programang "Day for Common Man" noong panahon ng kanyang panunungkulan.

Namigay si PGMA ng libreng reading glasses sa mga resident eng Barangay 11 at libreng pananghalian. Gayundin ang pagbibigay ng financial assistance sa tatlong taong kapos sa panggastos na may mga karamdaman. Kabilang ditto sina Genelli Marie Oribe, 25, para sa kanyang Renal disease, Jose F. Folloso, 71, para sa Cerebrovascular treatment at si Francis Jerome Vidal, 33, para rin sa kanyang Renal disease.

Ito ay agad namang inaprubahan ni Rosario Uriarte, vice chairman at General Manager ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) bilang pagtupad sa utos ng pangulo.

Nagkaloob din and Pangulong Arroyo ng tatlong (3) wheelchairs, 33 nebulizers sa 33 barangays kasama ang mga kits na may iba't ibang medicine blood pressure apparatus, syringes, surgical gloves, bandages, breast pumps at specimen bottles. Nagkaroon din ng raffle draw kung saan Karaoke machine ang premyo na napanalunan ng Brgy. Bocohan, Lucena City.

Sa katapusan ng medical mission, ang lahat ay masayang umuwi dala ang mga groceries na naglalaman ng 2 kilong bigas, 1 kilong asukal, kape, sardines, peanut butter, ketchup, suka at toyo na ipinagkaloob din ng pangulo.

Nauna dito, ang pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay dumalo din sa misa pasasalamat para sa ika-25 anibersaryo ng pagka-obispo ni Obispo Emilio Z. Marquez ng Diocese ng Lucena na ginanap sa St. Ferdinand Cathedral sa Lucena City. (RMO PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Court convicts one on wharf bombing; acquits all on airport bombing
»Army brass debunks allegations on AFP assassins
»New Davao Oriental capitol blessing transcends petty politics
»CSC Region XI accepts applications for government scholarship
»Duque is new Civil Service Commission chief
»Agri officials keen to conquer El Nino
»LGU Tagum creates Youth Advocates
»Tagum BSP Council joins int'l scouting jamboree
»PGMA SONA project in Samar to be completed in April, DPWH says
»PGMA keynotes International Autism Forum
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines