Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/03

Tagalog News: Mahigit sa 1,000 trabaho, ipinagkaloob ng DTI

by Marion Saligay

Lungsod ng Lucena (3 February) -- Umabot ng mahigit 1,000 trabaho ang naipagkaloob ng Department of Trade and Industry o DTI noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mga programang ipinatutupad ng ahensya.

Kabilang sa mga programang nakapagkaloob ng mahigit 700 trabaho ay ang One Town One Product o OTOP, Local and Regional Economic Development o LRED na isinagwa sa bayan ng Lopez, Quezon na nakapaghandog ng 69 na trabaho na kung saan ang lahat ng sector, pribado man o pampubliko ay tinipon upang pag-usapan kung papaano mapapataas ang antas ng ekonomiya ng kanilang bayan kung saan ay napagkasunduan ang pagtataas ng buwis. Sa tulong ng programa, natugunan ang problema ukol sa water system sa buong bayan.

Isa pa rin sa prorama ay ang Micro, Small and Medium Enterprise o MSME na nagkaloob ng 169 na trabaho noong nakaraang taon sa pamamagitan din ng OTOP. Gayundin ang Comprehensive and Livelihood Emergency Employment Program o CLEEP na siyang tumugon sa mga nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng global financial crisis na kung saan nakapagbigay ng trabaho bilang mga Prize Monitors na silang nag-iikot sa mga tindahan upang i-monitor ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang produkto.

Samantala, ang Sub-Contracting Partners for Innovation o SPIN naman ay isang programa din ng ahensya na kung saan nagkakaroon ng negosasyon ang isang malaking kompanya sa mga maliliit na manggagawa upang magkatulungan sa pamamagitan ng pagbuo ng produkto ng mga manggawa na siya namang bibilhin ng kompanya.

Ayon kay G. Pablito C. Budoy, Information Officer ng DTI-Lucena, may humigit-kumulang 5, 000 ang mga nagpa-rehistro ng kanilang business name noong nakaraang taon na pag-aari ng mga maliliit na mamumuhunan. Ayon pa din sa kanya,may mga produkto din na ginagawa dito sa lalawigan na ini-export sa iba't ibang bansa katulad ng lambanog mula sa Mallari Distillery sa Tayabas, Dory's Lambanog ng Candelaria, Tita's Banana Chips ng Gumaca at Pasiolco (Coco products) ng Tiaong. Ang mga produktong ito ay patuloy na mino-monitor ng DTI upang lalong matulungan ang mga nagnenegosyo.

Dagdag pa niya na mayroon silang mga target na programa katulad ng Provincial Consumer Organization na nabuo noong Disyembre 2009 na tutulong sa DTI upang maproteksyunan ang mga konsyumer at makapag-bigay ng training para maprotektahan din nila ang kanilang mga sarili. Binanggit din niya nag tungkol sa National Economic Research and Business Assistance Center o NERBAC na bubuksan sa itinatayong Science and Technology Center sa Isabang, Lucena, na kung saan mapapabilis ang pagpaparehistro ng mga malalaking negosyo at para na rin sa mga foreign investors na nais magnegosyo sa lalawigan. (RMO, PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Court convicts one on wharf bombing; acquits all on airport bombing
»Army brass debunks allegations on AFP assassins
»New Davao Oriental capitol blessing transcends petty politics
»CSC Region XI accepts applications for government scholarship
»Duque is new Civil Service Commission chief
»Agri officials keen to conquer El Nino
»LGU Tagum creates Youth Advocates
»Tagum BSP Council joins int'l scouting jamboree
»PGMA SONA project in Samar to be completed in April, DPWH says
»PGMA keynotes International Autism Forum
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines