Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: Proteksiyon kailanagn para sa sugar consumers: Enrile

Manila (4 February) -- Sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng asukal at mga produktong sugar-based, ipinanukala ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpapalakas ng monitoring scheme ng pamahalaan sa mga unscrupulous traders na nagsasamantala sa kakulangan ng supply ng asukal sa mga pamilihan, lalo na?t nagbigay na ang pamahalaan ng ?green light? para sa pag-angkat ng asukal, ang kauna-unahan sa loob ng walong taon.

Ayon pa kay Enrile kinakailangan umanong maging masusi ang pag-monitor ng pamahalaan sa domestic market upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga mangangalakal sa pamamagitan ng pagtaas pa ang presyo ng asukal na lalo lamang magpapabigat sa mga consumers.

Binigyang diin din ni Enrile na ang isyu sa asukal ay hindi umano saklaw ng Kongreso dahil problema ito sa merkado. Wala umanong kakayahan ang Kongreso na magpasa ng batas na maglalagay ng control ng supply at demand, at ang tanging magagawa lamang Kongreso ay ang pagseguro na ang mga negosyante ng asukal ay hindi magsasamantala sa sitwasyon at sa mga mamimili.

Kinakailangan umanong seguruhin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng price law upang makatulong sa mga mamimili.

Ang pagbaba ng produksiyon ng asukal sa bansang Brazil at India, ang dalawang malalaking sugar producers sa buong mundo dahil sa weather disturbance at ang pagtaas ng produksiyon ng ethanol na gumagamit ng asukal ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng asukal sa loob ng dalawampu?t-siyam (29) na taon sa buong mundo at sa loob ng dalawampu?t-tatlong (23) taon naman sa Pilipinas. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines