Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: 3 malalaki at bagong ospital sa Oriental Mindoro, matatapos ngayong taon

Calapan City (4 February) -- Nasa iskedyul at matatapos sa mga itinakdang panahon ang ipinagagawang tatlong mga bagong ospital sa syudad ng Calapan, at mga bayan ng Pinamalayan at Roxas.

Ayon kay Provincial Engineer Elmer Dilay, ang Pinamalayan Community Hospital, na may pondong mahigit sa P27M, ay palalakihin rin at gagawing 25-bed facility mula sa kasalukuyan nitong 10-bed capacity. Sa pinakahuling tala, 70 porsyento na ang project accomplishment nito at sa Mayo ay inaasahang magsisilbi na ito sa mga mamamayan hindi lamang sa isa sa pinakamalaking bayan ng Pinamalayan kundi maging sa karatig nitong mga bayan.

Nasa 80 porsyento naman ang naipatatapos na sa Roxas District Hospital. Nakaplanong gawing provincial hospital sa ikalawang distrito, ang Roxas District Hospital ay higit na pinalaki at gagawin nang 50-bed facility. May pondong mahigit sa P17M, tinatayang sa Marso ay mabubuksan na ang pasilidad na ito.

Sa kasalukuyan ay nasa 75 porsyento na ang napakalaki, bago at modernong 200-bed capacity Oriental Mindoro Medical Center sa Barangay Sta. Isabel sa syudad ng Calapan. Ang medical center na may pondong mahigit sa P200M, ay tinatayang matatapos sa Hunyo at papalitan ang kasalukuyang napakaluma ng provincial hospital sa Barangay Bondoc.

Regular ang pagbisita ni Gobernador Arnan sa ipinatatayong ospital upang personal na tiyaking maayos ang implementasyon nito at maiwasan ang pagkabalam ng pinakamalaki ngayong gusaling ipinatatayo ng pamahalaan sa kasaysayan ng Oriental Mindoro. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines