Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: District ALS reflexology, SMAW cosmetology convention, isinagawa

Masbate (1 February) -- Hindi humihinto at patuloy na magtataguyod ang pamahalaang panlalawigan ng mga programang tiyak na magbibigay ng dagdag-kabuhayan sa libu-libong Mindoreņo sa iba't ibang panig ng lalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa District Alternative Learning System Convention na itinaguyod ni SEC Commissioner Atty. Thaddeus Venturanza na isinagawa sa bayan ng Gloria.

"Pinasasalamatan ko po si Commissioner Tady sa kanyang pagtataguyod ng skills trainings para sa mga kababayan natin dito sa bayan ng Gloria. Kaugnay po ito ng mga ipinatutupad na proyekto ng inyong lingkod. Ang pamahalaang panlalawigan po ay may skills trainings din sa cosmetology, reflexology, motorcycle repair, cellular phone repair and servicing, shielded metal arc welding at iba. Naoakarami na po ang mga samahan at indibidwal sa buong lalawigan ang naging benepisyaryo ng mga pagsasanay na ito. Ipinaalam ko na ang skills training na aming itinataguyod ay may kasama ring mga kit o kagamitan upang pagkatapos ng kanilang pag-aaral ay maaari na silang kaagad na magsimulang kumita," ayon sa gobernador.

Sa okasyon, muling binigyang-diin ni Gobernador Arnan ang patuloy niyang pagsuporta sa mga pag-aaral at pagsasanay sa ilalim ng alternative learning system na malaking tulong para sa kagyat na pagtugon sa pangangailangang pangkabuhayan ng mga mamamayan. Hiniling din niya ang suporta ng mga mamamayan ng Gloria upang maipagpatuloy ang kanyang mga programa at proyektong pangkaunlaran hindi lamang para sa nabanggit na bayan kundi para sa buong lalawigan.

Inilahad din ng gobernador ang iba't ibang proyektong pangkaunlarang naibaba na ng pamahalaang panlalawigan sa bayang kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Romeo D. Alvarez.

Sa okasyon, pinuri naman ni Atty. Tady ang mga opisyal ng Gloria sa maayos na pamamahala sa bayan na kumpara aniya sa ibang mga bayan ay higit na mas maunlad at mas progresibo.

Pinasalamatan naman ni Mayor Alvarez si Atty. Tady sa pagbibigay ng pagsasanay sa cosmetology, reflexology at shielded metal arc welding sa mga taga-Gloria. Pinasalamatan rin niya ang pamunuan ni Gobernador Arnan sa maraming proyektong naipatupad na ng pamahalaang panlalawigan sa kanyang bayan.

Ayon naman kay Calapan City Vice Mayor Rafael Infantado, ang mga kursong pinagtapusan ng mga mamamayan mula sa iba't ibang barangay ng Gloria ay mabisang sandata upang malabanan ang kahirapang nararanasan ngayong sa buong mundo.

Kasama ring dumalo ni Gobernador Arnan sa okasyon sina Roxas Municipal Councilor Joy Solabo, Gloria Municipal Councilor Cris Bawasanta at BOCOFAMCO General Manager Reynaldo Malaluan na tatakbong mga bokal ng ikalawang distrito sa partido ni Gobernador Arnan.

Nakiisa rin dito si Vice Mayor Loreto Perez, ALS coordinators at ibang mga opisyal ng bayan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines