Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: Benepisyaryo ng PhilHealth para sa masa, patuloy na nadaragdagan

Masbate (1 February) -- Patuloy na nadaragdagan ang napakarami ng bilang ng mga benepisyaryo ng health insurance sa ilalim ng Philhealth Para sa Masa ni Gobernador Arnan.

Isang daan at siyamnapu't tatlo (193) sa barangay Papandayan at mahigit sa 200 sa barangay Wawa sa bayan ng Pinamalayan ang mga pinakahuling nabigyan ng health insurance ng pamahalaang panlalawigan.

Bagamat binabatikos, naninindigan si Gobernador Arnan na ang nasabing programang pangkalusugan ay malaki ang naitutulong sa kanyang mga nasasakupan. Aniya, ang mga patunay ng mga natulungan nito sa iba't ibang panig ng lalawigan ang kanyang batayan upang patuloy na itaguyod ang ayon sa mas nakararami ay sa isa sa mga maliliwanag na programang pantao at panlipunan ng administrasyong Panaligan.

Si Wawa Barangay Captain Rafael Dela Vega, sa kanyang pananalita, ang mismong nagpatunay na ang Philhealth ang isa sa mga pinaka-epektibong programang naitaguyod ni Gobernador Arnan.

"Napakaganda ng proyektong ito ni Gobernador Arnan. Sa bawat araw na mako-confine ang isang tao ay pera ang katumbas nito. Kaya't malaking bagay na may health insurance sapagkat malaki ang naiaawas nito sa bayarin sa ospital," ayon kay Kap. Dela Vega.

Ang katotohanang ito ang dahilan upang bilang kasalukuyang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ay isa si Bokal Romeo Buenaventura sa mga myembro ng SP na patuloy na sumusuporta sa Philhealth at iba pang programang pangkalusugan ng administrasyon ni Gobernador Arnan. Aniya pa, sa kanyang paghahangad na magsilbi bilang punong bayan ng Pinamalayan, ay mananatili ring isa sa kanyang mga prayoridad ang mga katulad na programang pangkalusugan na siyang tunay na kailangan ng mga mamamayan.

Kasama ng gobernador sa okasyon sina SEC Commissioner Thaddeus Venturanza na tatakbo bilang kinatawan ng segunda distrito sa Kongreso at Calapan City Vice-Mayor Rafael Infantado na siya namang kandidatong bise-gobernador ni Gobernador Arnan.

Nakiisa rin dito sina Roxas Municipal Councilor Joy Solabo, BOCOFAMCO General Manager Rey Malaluan, Gloria Municipal Councilor Cris Bawasanta, ang mga kandidatong bokal sa ikalawang distrito, sa partido ni Gobernador Arnan, kasama sina Bokal Ferdinand Thomas Soller at Martin Buenaventura. Dumalo rin dito si Atty. Richard King na siya namang tatakbong vice-mayor ng Pinamalayan katuwang ni Bokal Buenaventura. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines