Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: Ipinagtataguyod ang programang pangkalusugan

Masbate (1 February) -- Ang pagkakaloob ng episyente at de-kalidad na programang pangkalusugan para sa mga Mindoreņo ang sentro ng mga pagpupunyaging pangkaunlaran ng administrasyon ni Gobernador Arnan C. Panaligan.

Pinakamahalaga na rito ang pagpapatupad ng Programang PhilHealth Para sa Masa ? ang taunang pagdaragdag sa bilang ng mga mahihirap na pamilyang Mindoreņo na benepisyaryo ng health insurance mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Sa bawat pamilyang naii-enrol ng Pamahalaang Panlalawigan sa PhilHealth, may katumbas itong halaga ng pondong bumabalik sa pamahalaan, ang PhilHealth Capitation Fund.

Sa tala ng Provincial Accountant's Office, umabot na sa mahigit P15M ang capitation fund ng pamahalaang panlalawigan simula 2006 hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa halagang ito, 80% ang nakalaan bilang pambili ng mga gamot at medical equipment na kinakailangan sa mga pampublikong ospital sa lalawigan. Kabilang na rito ang mga kinakailangang suplay ng medisina at mga kagamitan sa mga ospital na binibili sa Botika ng Lalawigan.

Dahil din sa capitation fund, libre na ang anti-rabies vaccine na ipinagkakaloob sa mga pasyente dahil malaking bahagdan ng PCF ay inilaan ng pamunuan ni Gobernador Arnan para sa pagbibigay ng libreng gamot laban sa rabis.

Sampung porsyento naman ng PCF ang laan bilang honorarium sa health providers o mga manggagawa sa ating mga ospital samantalang ang natitirang 10 porsyento ay laan sa administrative costs.

Mananatiling prayoridad ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang pagbibigay ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga Mindoreņo ? isang pagtitiyak sa sinseredad ng pamunuan ni Gobernador Arnan na makapaglinkod lalo na sa mahihirap at nangangailangang mamamayan ng lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines