Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/04

Tagalog News: 89th founding anniversary ng Baco ipinagdiwang

Masbate (1 February) -- Habang tinitiyak ng pamunuan ni Gobernador Arnan na tuluy-tuloy nitong maipagkakaloob ang mga kailangang paglilingkod at serbisyong-panlipunan sa lahat ng mga mamamayang Mindoreño ay tinutugunan rin nito ang mga kahilingan ng mga ito para sa mga sandali subalit di-malilimutang kasiyahan at paglilibang.

Sa pagdiriwang ng 89th Founding Anniversary ng Baco nitong Enero 25, pinagbigyan ni Gobernador Arnan ang kahilingan ng mga Bacoeño para sa basketball tournament na ang katunggali ay ang mga sikat na artista.

Ininsponsoran ni Gobernador Arnan at sa imibitasyon ni Calapan City Councilor Patrick dela Rosa na isa sa mga opisyal na kandidatong Bokal sa unang distrito sa partido ni Gobernador Arnan, nakipagtagisan ng galing sa paglalaro ang mga kilala at mahuhusay na artista sa mga piling manlalaro ng Baco.

Nagpakitang-gilas sa basketball sina Philip Salvador, Jestoni Alarcon, Joko Diaz, Ian Veneracion, Jhong hilario, Jordan Herrera, Onyok Velasco, Carlos Morales at Gene Padilla.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taga-Baco at sa pangunguna ni Mayor Graciano dela Chica at mga opisyal ng bayan at mga barangay ay pinasalamatan ang inihatid na saya sa kanilang bayan ng pamunuan ni Gobernador Arnan. Dumalo rin sa pagdiriwang si Bokal Abraham Abas. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA signs MOA with Climate Change Commission
»R-XI to host RDC private sector reps national confab
»2nd Gawad LIDER nominations extended until February 15
»ICT brings "Make IT Davao" slogan
»PGMA in Davao to highlight cyber corridor at Damosa IT Park
»Mango congress seeks to save P400-M wastage
»DTI Palawan hosts "Go Negosyo" seminar
»New Palawan businesses invest P763 million in 2009
»Tagalog News: Disqualification case laban kay Mayor Hagedorn, ibinasura ng Comelec
»Region 8 observes World Cancer Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines