Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/05

Tagalog News: Siyam ang nagtutunggali sa puwesto ng Chief Justice

by RM Padua

Manila (5 February) -- Sa pagtatapos ng taning sa pagsumite ng nominasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) kahapon, umabot sa siyam ang nominado para sa puwestong iiwanan ni Chief Justice Reynato Puno na magreretiro sa Mayo 17.

Ito'y matapos nagsumite ng kanilang nominasyon ang dalawa pang nagnanais pumalit kay Chief Justice Puno sa huling araw ng pagsusumite ng application.

Ipinahayag ni Atty. Victor Fernandez, Deputy Ombudsman for Luzon, ang kanyang intensyong palitan si Puno.

Nag-apply din sa nasabing posisyon ang dating hukom ng Malabon City Regional Trial Court na si Florentino Floro. Nais niyang isumite ang kanyang application kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Naging kontrobersyal si Floro, na sinasabing isang psychic, matapos syang ma-dismiss ng Supreme Court mula sa serbisyo dahil umano sa kanyang pakikipag-usap sa mga kaibigang duwende. Nasuspende sya noong 2006.

Kabilang sa iba pang mga nominado ay sina Associate Justice Arturo Brion, Atty. Henry Villarica, Atty. Gregorio Batiller, Jr. at Special Prosecutor Dennis Villa- Ignacio na nominado ng dating Ombudsman Simeon Marcelo.

Mayroon na ngayong siyam na opisyal na nominado para sa posisyon ng Chief Justice kabilang na si Associate Justice Renato Corona na nagpahayag ng kanyang intensyon na maging nominee ng walang hinihinging kondisyon.

Nagsara ang pagtanggap ng mga application para sa posisyon ng Chief Justice kahapon, sa ganap na alas singko ng hapon. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA Board approves TPLEX, ups financing for ARMM Social Fund
»Latin beat highlights Musikahan
»Brgy. 76-A: Advocate of progress through handicraft and 4Ps
»Cebuano News: Comval SP gibag-o ang committee chairmanship
»Cebuano News: 1,070 resolusyon ug ordinansa napasar sa Comval SP sulod sa 2.5 ka tuig
»Cebuano News: Comval giilang 2009 Best Provincial LGU sa Davao Region
»Cebuano News: Dugang 100 ka wheel chair gikan sa OBFI gipanghatag sa ComVal
»Cebuano News: 100 mga ustadzes nagpalambo sa ilang katakos pagtudlo sa kultura ug relihiyong Islam
»Davao needs PEZA-accredited sites
»PGMA lauds TESDA scholar now employed in call center
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines