Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/05

Tagalog News: Pagtanggi ng Comelec sa accreditation ng NAMFREL, sinuportahan ng mga Obispo

Manila (5 February) -- Pinanigan ng ilang Obispo ang pagtanggi ng Commission on Election (Comelec) sa application for accreditation ng National Movement for Elections (Namfrel) bilang citizen's arm ngayong darating na halalan sa Mayo a-10 ngayong taon.

Tinukoy ni Cotabato Auxiliary Bishop Colin Bagaforo ang mga record ng grupo sa mga nakalipas na halalan na umano'y nabahiran ng pagiging partisan nito.

Ikinalungkot din umano ng Obispo ang nangyari sa grupo, na ayon sa kanya ay isang "sad ending" para sa isang dakilang institusyon.

Pinayuhan din ni Bagaforo ang mga pinuno ng Namfrel na magkaroon ng "soul-searching" at "internal reorganization."

Nasiyahan naman si Kalookan Bishop Deogracias Iniguez Jr., sa desisyon ng Comelec dahil maaasahan naman umano ng simbahang katolika ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Samantalang si Isabela de Basilan Bishop Martin Jumuad ay nanawagan sa NAMFREL, PPCRV at NASSA na magkaisa dahil ang kanilang mga volunteers umano ay iisa lamang. Hiniling din ni Bishop Jumuad sa lahat ng mga partido na maging mapagkumbaba at tumulong upang ang 2010 elections ay maging malinis, tahimik at malaya.

Ayon naman kay Malolos Bishop Jose Francisco Oliveros, hindi umano ito ang unang pagkakataon na tinanggihan ng Comelec ang Namfrel. Sa kanyang pahayag sa website ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), binigyang diin nito na nariyan pa naman ang PPCRV na tatanggap ng pang-apat na kopya ng Certificate of Canvass (COC). (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NEDA Board approves TPLEX, ups financing for ARMM Social Fund
»Latin beat highlights Musikahan
»Brgy. 76-A: Advocate of progress through handicraft and 4Ps
»Cebuano News: Comval SP gibag-o ang committee chairmanship
»Cebuano News: 1,070 resolusyon ug ordinansa napasar sa Comval SP sulod sa 2.5 ka tuig
»Cebuano News: Comval giilang 2009 Best Provincial LGU sa Davao Region
»Cebuano News: Dugang 100 ka wheel chair gikan sa OBFI gipanghatag sa ComVal
»Cebuano News: 100 mga ustadzes nagpalambo sa ilang katakos pagtudlo sa kultura ug relihiyong Islam
»Davao needs PEZA-accredited sites
»PGMA lauds TESDA scholar now employed in call center
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines