Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/06

Tagalog News: PGMA bumisita sa AMA Lipa College

Batangas City (6 February) -- Bumisita si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa AMA Lipa College, Lipa City noong ika-4 ng Pebrero.

Malugod siyang tinanggap ng mga opisyales at mag-aaral ng AMA Lipa college na pinangungunahan ni AMA School Director Burt Diaz kasama sina Vice Governor Marc Levite, TESDA Provincial Director Carlos Flores at Presidential Assistant Mely Jabola.

Dumeretso ang Pangulo sa holding area kung saan tumigil siya ng ilang minuto upang obserbahan ang ginaganap na klase ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Pagkatapos nito,tumuloy ito sa Plenary Hall kung saan mahigit sa 100 mag-aaral ang naghihintay para sa kanyang talumpati.

Ayon sa Pangulo, ang Business Process Outsourcing (BPO) at Information Communication Technology (ICT) ay isa sa pinakamagandang legasiya na kanyang maipapamana sa susunod na administrasyon.

Aniya, ito ay nagbigay ng napakaraming oportunidad sa trabaho at pagkikitaan sa napakarami nating kababayan na nabibilang sa "unemployed group".

Tumaas din ang kita ng bansa pagdating sa BPO revenues ng $7.3B noong nakaraang taon, hindi nahuhuli sa kita ng bansang India na $9B. Ito ay mahigit tatlong daang porsiyento (300%) ang laki mula sa pagsisimula ng administrasyong Arroyo noong 2001.

Binigyang-diin din nito na bukod sa kita, tumaas ang employment ng nasabing industriya mula 4,000 noong 2001 hanggang 500,000 noong nakaraang taon.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga investments sa digital infrastructure ang naging dahilan kung kaya't bumaba mula sa 40 sentimos ay naging 2 sentimos kada minuto ang voice over internet protocol(VOiP) na siya namang nagresulta sa malaking bilang ng internet users mula sa dating dalawang milyon (2M) ngayon ay dalawampu't apat na milyon (P24M) na.

Sa kasalukuyan, mahigit 5,000 pampublikong paaralan na ang may computer laboratories samantalang 4,000 state schools ay may koneksyon sa internet.

Ang pamahalaan ay may kabuuang investment na P35.5B sa technical education at skills training kung saan P1.69B ay inilaan para sa BPO scholarships.

Ang nasabing pagbisita ng Pangulo ay bahagi ng kanyang "week long Cyber Corridor tour" sa buong bansa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PESO Benguet now accepts SPES applicants
»Benguet SP supports law classifying unjust increase of oil prices into heinous crime
»Bakun IPs seek to protect their lands from mining exploration
»NFA assures enough rice supply
»New nurses to take oath March 12 at CAP-Camp John Hay
»WWII veterans have until Feb 16 to file for one-time benefit claims
»Comelec conducts public demo on PCOS machines in Ifugao
»Ifugao prepares for El Nino
»No gunban violator in Ifugao
»Ifugao police proactive policing approach ordinance passed
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines