Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/08

Tagalog News: Mock polls sa lungsod ng Davao naging matagumpay

by BD Enestois

Davao City (8 February) -- Matagumpay ang pagsasagawa ng mock polls sa dalawang paaralan sa lungsod ng Davao kamakailan, ayon sa ulat ng Commission on Elections (Comelec).

Inihayag ni Atty. Danilo Cullo, acting Comelec officer sa unang distrito ng lungsod na ang nasabing mock polls ay nagsimula ng alas -otso ng umaga hanggang alas-dyes ngunit pinalitan ng mga poll officials ang bilang ng mga piling botante sa dalawang cluster precinct dahil hindi dumalo ang ilan sa mga ito.

Ani Cullo, siyam sa limampung piling botante sa Generoso Elementary School sa Barangay Bago Aplaya sa unang distrito ang hindi dumalo sa mock elections.

Samantala labim-pito sa limampung inimbitahan sa Alejandra Navarro Elementary School sa Barangay Likanan, Lasang ng ikalawang distrito ng Davao ang hindi nagpakita.

Tumagal lamang ng dalawang oras ang transmission ng election returns matapos ang voting period sa lungsod.

Naging mapayapa ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan ng Comelec at ng mga awtoridad na kinabibilangan nina Task Force Davao Chief Col. Oscar Lactao, Davao City Police Officer Director Senior Superintendent Rene Aspera at kanilang mga tauhan.

Binigyang diin din ni Comelec Regional Director Remlane Tambuang na maagang natapos ang transmission sa dalawang clustered precinct at maayos na nai-transmit ang election returns sa National Comelec Office sa Maynila, sa Municipal o City Board of Canvassers at sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP). (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Western Visayas starts to act against El Nino
»Parole and Probation Office tutors stakeholders on restorative justice
»Zambo climate change summit draws thousands
»Capiz prepares for El Niņo
»Waray-Waray News: PGMA titikangan an tour ha Luzon Urban Beltway
»Waray-Waray News: OPAPP magbubuhat hin pinahaluag nga info drive
»Waray-Waray News: Comelec magtitikang na pag-imprinta han mga balota
»Waray-Waray News: Kalugian agi han El Nino posibli umabot hin P700-M
»Waray-Waray News: Palasyo dire manginginlabot han problema ha Luisita
»Waray-Waray News: AFP, police paghahalpaton an mga signal jammers
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines