Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 16 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/09

Tagalog News: STARLEX inaasahan ng Pangulo na agarang matatapos

by BD Enestois

Manila (9 February) -- Nais ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na matatapos na sa buwan ng Abril ang Southern Tagalog Arterial Road-South Luzon Expressway (STAR-SLEX) sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas upang mabigyan ang mamamayan ng kaginhawaan sa kanilang pagbiyahe sa mga probinsya sa bahaging timog ng Manila.

Sa maikling pag-uusap ng Pangulo at ni Isaac David, presidente ng South Luzon Tollway Corporation na operator ng SLEX, tinanong sa kanya ng Pangulo kung maaari bang mag-assign ng round-the-clock shifts ang mga contractors, pitong araw sa isang linggo upang maagang matapos ang proyekto para sa nalalapit na summer school vacation.

Bilang tugon sa hiling ng Pangulo, inihayag ni David na ipagbibigay-alam niya ito sa mga contractors at siniguro sa Pangulo na matatapos sa proyekto sa takdang panahon.

Nagpakita ng kasiyahan ang Pangulo sa mabilis na pag-unlad ng proyekto at lumikha pa ito ng bagong pangalan ng conjoined highway. Tinawag niya itong STARLEX o Southern Tagalog Arterial Road Luzon Expressway.

Ang STARLEX ay magpapadali ng biyahe mula Batangas City papuntang Makati City sa loob ng isang oras. Ito ay bahagi ng PGMA?s Urban Luzon Beltway, isa sa mga Super Regions na dinisenyo para mag-decongest sa Metro Manila at magdala ng kaunlaran sa kalapit na mga probinsya. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Blue desk to handle TESDA's jobs bridging program
»ComVal implements "no smoking" policy
»No to partisan activities, gov't employees told
»Timbol lauds Kapalong PNP on anti-drug trafficking efforts
»Davao Norte yet to feel El Niņo
»Child sexual abuse, exploitation awareness week observed on February 8-14
»2010 is year for ICT, mining, agri in Region XI
»Comelec XI optimistic to end voting by 6pm
»Commentary: High-tech vigilance
»DA assures it is taking adequate steps to shield regions from El Nino
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines