Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/10

Tagalog News: PGMA, walang pagsisisi sa mga ginawang hakbang pang-ekonomiya

by RM Padua

Manila (10 February) -- Hindi pinagsisisihan ni Pangulong Arroyo ang pagiging "unpopular." Resulta raw umano ito ng mga matitinding hakbang na ginawa nya upang mapabuti ang ekonomiya mula noong 2001.

Pahayag pa ni Pangulong Arroyo sa kanyang talumpati sa University of Batangas noong Lunes, hindi siya umiiwas sa pagtanggap ng mga matitinding isyu.

Matatandaang lalong bumaba ang popularidad ng Pangulo ng kanyang pirmahan ang Expanded Value Added Tax (E-vat). Ngunit, kanyang pinanindigan na nakapagdulot ito ng mabuti sa mga tao at wala syang pinagsisisihan.

Isa sa mga nagawa ng Pangulo ay ang Skyline sa Metro Manila, Pampanga at Laguna. Ang Skyline ay mayroong mga makabagong gusali, maayos na daanan, maliliit na negosyo, mga hotel, construction cranes at shopping malls.

Pinalakas din ng Pangulo ang kanyang Cyber Corridor kung saan sumisibol ang Information and Communication Technology (ICT) at Business Process Outsourcing (BPO).

Naglunsad din ang Pangulo ng malawakang infrastructure development program upang mabigyan ng mahusay na support services ang mga mamumuhunan sa Urban Luzon Beltway (ULB). Layunin nya kasing gawing "globally competitive logistics and services hub" ang ULB sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Ilan sa mga nagawang pag-unlad sa ULB ay ang pagpapabuti ng Diosdado Macapagal Airport;Expansion Project sa NAIA Terminal 3; Batangas Port Project na nagkakahalaga ng anim na bilyon at Subic-Tarlac Expressway Project na nagkakahalaga ng 20.9 bilyong piso. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»4Ps families attend DSWD Anniversary
»Davao Norte pegs rice sufficiency at higher level than NEDA report
»NEDA XI urges gov't agencies to pursue e-gov services
»Comelec assures ARMM voters a clean election
»Feature: Tagum becoming RP's music center
»Police confiscates over 50 firearms in Central Visayas amid election gunban
»Cebuano News: PGMA gitapus ang biyahe sa Cyber Corridor ug nakatali ug 0.5-M nga trabaho gikan sa BPO-ICT
»PGMA okays P1.54T national budget
»No El Nino in Eastern Visayas, but mitigating measures in place, DA-8 says
»Hiligaynon News: Mga pananom sa Capiz hilway pa sa El Niņo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines