Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/10

Tagalog News: DA lilimitahan ang paggamit ng irigasyon dahil sa El Niņo

by DE Doguiles

Manila (10 February) -- Nakatakdang limitahan ng Department of Agriculture ang paggamit ng tubig sa mga dam at irigasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagtatakda ng schedule sa paggamit ng irrigation water upang maiwasan ang lubhang epekto ng tagtuyot na dala ng El Nino sa agrikultura at palaisdaan.

Binigyang diin ni DA Unsecretary Bernie Fondevilla, na bagamat sapat pa ang pundo na tubig sa mga dam at irrigation facilities sa bansa, mainam na mapangalagaan ang suplay ng tubig sa panahong dinaranas ng bansa ang "moderate" na El Nino.

Tinuran ni Undersecretary ang ulat ng PAGASA na bagamat banayad ang nararanasang El Nino, maaari umano itong tumagal hanggang Hulyo sa halip ng inaasahang pagtatapos nito sa Mayo o Hunyo.

Dagdag pa Fondevilla, ang gagawing "scheduling" ay hindi nangangahulugang kukulangin ang mga magsasaka ng suplay na tubig. Layon ng "scheduling" na ang ipalalabas na tubig sa irigasyon ay tama lang sa pangangailangan ng mga sakahan at palaisdaan at walang maaaksayang tubig.

Hihingin ng DA ang tulong ng mga local government units para maipatupad ang rationalization lalung lalo na sa mga lugar na naaapektuhan ng El Nino.

Kasama ang mga lalawigan ng Saranggani at South Cotabato sa tinukoy ng Department of Agriculture na kabilang sa dalawampu?t tatlong lugar na "highly vulnerable" sa nararanasang El Nino at kabilang sa pinagtutuunan ng mitigating measures ng departamento.

Kasama sa listahan ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Cagayan, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite, Rizal, Occidental Mindoro, Palawan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Misamis Oriental, at Zamboanga City.

Tinukoy din ng DA na "moderately vulnerable" ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Mt Province, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Laguna, Quezon, Romblon, Sorsogon, Aklan, Antique, Bohol, Samar, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Davao Oriental, Davao Sur and Davao City.

Nagpalabas na ang DA ng P1.2 bilyon para sa mga hakbang na magpapagaan sa epekto ng El Nino. Nakapaloob dito ang P570 milyon para sa palay sector, P613.7 milyon para sa corn sector, P411 milyon para sa high value commercial crops sector, at P117.4 milyon para sa fisheries. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»4Ps families attend DSWD Anniversary
»Davao Norte pegs rice sufficiency at higher level than NEDA report
»NEDA XI urges gov't agencies to pursue e-gov services
»Comelec assures ARMM voters a clean election
»Feature: Tagum becoming RP's music center
»Police confiscates over 50 firearms in Central Visayas amid election gunban
»Cebuano News: PGMA gitapus ang biyahe sa Cyber Corridor ug nakatali ug 0.5-M nga trabaho gikan sa BPO-ICT
»PGMA okays P1.54T national budget
»No El Nino in Eastern Visayas, but mitigating measures in place, DA-8 says
»Hiligaynon News: Mga pananom sa Capiz hilway pa sa El Niņo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines