Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/10

Tagalog News: Comelec 12, minomonitor ang campaign posters ng national candidates

by DE Doguiles

Koronadal City (10 February) -- Sa pagsisimula kahapon ng opisyal na campaign period para sa national positions, sinimulan na rin ng Commission on Elections (Comelec) sa Rehiyon 12 ang pagmomonitor laban sa illegal campaign posters ng mga kandidato.

Sinabi ni Comelec 12 Director Atty Michael Abas na nagpapakalat na ang komisyon ng mga tauhan na magbabaklas sa mga campaign materials ng mga kandidato sa pagka-presidente, pagka-bise presidente, at pagka-senador na wala sa nakatakdang common poster area. Babaklasin na rin umano ang mga campaign materials ng mga kandidato sa lokal na posisyon na sa Marso 26 pa dapat magsisimula ng kanilang pangangampanya.

Base sa probisyon ng Fair Election Act ang poster area ng kinikilalang political parties ay hindi dapat lalampas sa 12 x 16 feet samantalang ang sa independent candidates ay hindi lalampas sa 4 x 6 feet.

Ang Comelec ang nagtatalaga ng common poster area na kinabibilangan ng harap ng mga public schools, barangay hall, sa plaza, junctions ng main highways, at iba pang pampublikong lugar.

Dagdag pa ni Atty Abas, inutusan din niya ang kanyang mga tauhan na baklasin ang mga posters sa labas ng designated areas at nakadikit sa mga punongkahoy. Kakasuhan din ng komisyon ang sinumang lalabag sa nasabing probisyon. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»4Ps families attend DSWD Anniversary
»Davao Norte pegs rice sufficiency at higher level than NEDA report
»NEDA XI urges gov't agencies to pursue e-gov services
»Comelec assures ARMM voters a clean election
»Feature: Tagum becoming RP's music center
»Police confiscates over 50 firearms in Central Visayas amid election gunban
»Cebuano News: PGMA gitapus ang biyahe sa Cyber Corridor ug nakatali ug 0.5-M nga trabaho gikan sa BPO-ICT
»PGMA okays P1.54T national budget
»No El Nino in Eastern Visayas, but mitigating measures in place, DA-8 says
»Hiligaynon News: Mga pananom sa Capiz hilway pa sa El Niņo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines