Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/10

Tagalog News: Pipigilan ng Customs ang shipment ng Pilipinas Shell

by BD Enestois

Manila (10 February) -- Nagpalabas ng resolusyon kamakailan ang Court of Tax Appeals First Divison na pinamumunuan ni Presiding Justice Ernesto Acosta na nagsasaad ng pagtanggi sa petisyon ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. para suspendehin ang hakbang ng Bureau of Customs na kolektahin ang kulang na bayarin sa buwis ng kompanya na P7.3 million.

Ito ang naging hudyat upang ipag-utos ni Customs Commissioner Napoleon Morales kay Batangas Customs collector Juan Tan na pigilan ang shipment ng Shell hangga?t hindi pa naisasaayos ng kompanya ang pagbabayad ng buwis sa gasoline shipments nito mula noong taong 2004 hanggang 2009.

Matatandaang nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang CTA noong Disyembre 9 na pipigil sa Customs na kumpiskahin ang ini-import na gasolina ng Shell subalit ipinaglaban ng Customs bureau na hindi pa nababayaran ng nasabing kompanya ang excise tax nito sa pag-import ng catalytic cracked gasoline (CCG) at light catalytic cracked gasoline (LCCG) mula noong 2004 na umabot na halos sa walong bilyong piso kasama na ang surcharges at penalties.

Inihayag ni Simeon Marcelo, legal counsel ng Shell, na may malakas na ebidensya ang kompanya na magpapatunay na wala silang dapat bayarang buwis sa pag-import ng mga gasolina na nakasaad sa inisyu ng Bureau of Internal Revenue na Authority to Release Imported Goods (ATRIG).

Subalit, noong December 15, inihayag ni BIR Commissioner Joel Tan-Torres na ang CCG at LCCG ay papatawan na ng kaukulang buwis dahil sa mga dokumento at findings ng Bureau of Customs na naging dahilan upang baguhin at bawiin ang nakaraang tax exemption rulings.

Ayon pa kay Marcelo dahil sa pagbabagong ito, magkakaroon ng work stoppage ang Shell refinery at gasoline shortage sa buong bansa kung saan 30% ng unleaded gasoline ng naibebenta sa mga pump stations sa bansa. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»4Ps families attend DSWD Anniversary
»Davao Norte pegs rice sufficiency at higher level than NEDA report
»NEDA XI urges gov't agencies to pursue e-gov services
»Comelec assures ARMM voters a clean election
»Feature: Tagum becoming RP's music center
»Police confiscates over 50 firearms in Central Visayas amid election gunban
»Cebuano News: PGMA gitapus ang biyahe sa Cyber Corridor ug nakatali ug 0.5-M nga trabaho gikan sa BPO-ICT
»PGMA okays P1.54T national budget
»No El Nino in Eastern Visayas, but mitigating measures in place, DA-8 says
»Hiligaynon News: Mga pananom sa Capiz hilway pa sa El Niņo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines