Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: DAR sa Rehiyon Dose nanguna sa pamimigay ng lupain

by BD Enestois

Koronadal City (11 February) -- Nakamit ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Rehiyon 12 ang pinakamataas na accomplishment rate sa pamamahagi ng lupa sa taong 2009 kung ikukumpara sa labing-apat pang rehiyon sa bansa.

Sa nagdaang taon kasi, nakapagbigay ng kabuuang 8,671 ektaryang lupain ang DAR 12.

Naging consistent ang DAR 12 sa pagiging top performing regional office sa pamamahagi ng lupa sa anim na sunud-sunod na taon.

Mula noong 2004 hanggang 2008 nakapamahagi ng kabuuang 85,309 ektaryang lupain sa mga beneficiaries ang DAR 12. Pinakamalawak ang naipamigay nito noong 2005 na umabot sa 21,028 ektarya.

Pinapurihan ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman ang lahat na tauhan sa Region 12 office sa kanilang hindi matawarang dedikasyon sa pagtatrabaho para makamit ang set targets noong 2009.

Dagdag pa ni Pangandaman, ang mga ito ay bunga ng kanilang tagumpay at isang paghamon sa ibang mga rehiyon na husayan ang kanilang gawain sa susunod na apat na taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines