Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Police commanders magsisilbing peacemakers sa halalan sa Mayo, ani Versoza

Manila (11 February) -- Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Director General Jesus Versoza ang lahat ng mga police commanders na maging "peacemakers" sa darating na national at local automated polls sa Mayo 10, 2010.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng 19th PNP Day sa lungsod ng Iloilo, binigyang diin ni Versoza na ang darating na election ay isa umanong pinakamalaking hamon sa PNP lalo na ang pagpapatupad ng mga security measures na magseseguro sa isang tapat, maayos at mapayapang halalan.

Dapat umanong panatilihin ng bawat miyembro ng kapulisan ang pagiging masigasig sa pagtupad ng tungkulin lalo na ang pagsunod sa democratic process at paggalang sa karapatan at saloobin ng sambayanan.

Binigyang diin din ni Versoza na bilang "peacemakers," tungkulin ng mga pulis na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa mga lugar na itinuturing na nasa "watchlist."

Dapat umanong ipatupad ng bawat pulis ang "rule of law" ng walang takot at kinikilingan dahil ang nalalapit na halalan ay isang pagkakataon umano para sa PNP na tumindig at patunayang ito nga ay totoong tagapagsilbi at tagapagligtas ng mga mamamayan. (ac agad/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines