Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: RDCC-ARMM tinutuonan ang mahigit 20,276 evacuees na umuwi sa kanilang mga tahanan

Koronadal City (11 February) -- Sinimulan na ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang paghahanda para sa ligtas na pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan ng mahigit dalawampung-libong "internally displaced persons" (IDPs) na kasalukuyang naninirahan sa mga evacuation centers sa mga bayan ng lalawigan ng Maguindanao, kasunod ng napaulat na lalo umanong nagiging mahirap na ang kanilang pamumuhay dito.

Sa pagpupulong ng RDCC-ARMM na pinangunahan ni acting regional governor Ansaruddin Alonto-Adiong tinalakay ang mga isasagawang mekanismo para sa pag-uwi ng mga evacuees na pansamantalang nanuluyan sa mahigit pitumpu't-walong (78) evacuation centers sa labinlimang (15) mga bayan ng Maguindanao na kinabibilangan ng Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Guindolongan, Mamasapano, Mother Kabuntalan, Shariff Aguak, South Upi, Sultan Sumagka at Talayan.

Ipinangako rin ni Adiong ang tulong mula sa regional government at mga partner agencies upang muling makapamuhay ng normal ang mga evacuees na lumikas sa kanilang mga tahanan mula pa noong 2008 sa kasagsagan ng away sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at puwersa ng pamahalaan hanggang sa pinakahuling pangyayari, ang Maguindanao massacre.

Napagkasunduan din sa pagpupulong ang pagbibigay ng agarang physiological at psychological interventions para sa mga IDPs na nagkaroon ng trauma dahil sa kaguluhan at hirap ng pamumuhay sa mga evacuation centers. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines