Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 16 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: PDEA sa Rehiyon 12 nahuli ang pinaghihinalaang drug leader ng Vilbar Drug Group

by BD Enestois

Manila (11 February) -- Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa rehiyon dose ang umano'y lider ng Vilbar Drug Group na si Wison Vilbar noong Pebrero 8 sa isang anti-drug operation sa pakikipagtulungan ng South Cotabato Provincial Police Office sa pamumuno ni Chief Inspector Barney Conde. Si Vilbar ay nasa priority target list ng nasabing ahensiya.

Ang suspek ay nahuli ng isang PDEA undercover agent sa isang buy-bust operation sa aktong pagbebenta ng maliit na plastic sachet na naglalaman ng isang puting crystalline substance na pinaniniwalaang metamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu sa Purok Quezon, Barangay Kipalbig, Tampakan, South Cotabato.

Tinangka pa umano ng suspek na tumakas. Tumakbo ito papunta sa kanyang bahay kung saan nadiskobre ng mga operatiba ang on-going pot session na ikinahuli ng dalawa pang kasamahan ni Vilbar na aktong humihithit ng shabu. Nakilala ang dalawa pang nadakip na sina Ferdinand Malinog at Amado Mayor.

Hinahanda na ng PDEA 12 ang kasong ipapataw laban sa mga naaresto sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay PDEA Regional Director Rene Orbe, pina-iigting ng PDEA sa rehiyon ang kampanya nito laban sa druga. Dagdag pa niya, ang pagkaaresto ng mga suspek ay isang katibayan ng katatagan pulisya na sugpuin ang problema sa druga sa rehiyon.

Dagdag pa ni Orbe, hindi titigil ang ahensiya sa pagkamit ng vision-mission nito sa gitna ng patuloy na suporta at kooperasyon na binibigay ng Local Government Units, Tri-Media, at ng Public Prosecutor's Office lalung-lalo na ang ibang law enforcement agencies sa rehiyon.

Kabilang sa mga narecover sa operasyon ang limang pakete ng pinaghihinalaang shabu, apat na rolled papers na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana dried leaves, at iba pang drug paraphernalia at buy-bust money. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines