Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Punong-himpilan ng AFP sorpresang binisita ni PGMA

by BD Enestois

Manila (11 February) -- Surpresang binisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon ang mga opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner, Jr. na buong galak na inihayag ng Pangulo sa mga sundalong Pilipino kung paano niya pinangangalagaan ang mga ito, kung paano siya nagtrabaho upang tiyaking mabibigyan ng kaukulang benepisyo ang bawat sundalo at pataasan ang kanilang sahod at allowances.

Dagdag pa ni Brawner, pribado ang nasabing pagbisita ng Pangulo kung kaya't pinili nilang hindi kunan ng medya ang nasabing pagbisita at sa katunayan, hindi nagsama ang Pangulo ng tauhan mula sa Malacaņang Press Corps.

Ani Brawner, isang farewell visit ang ginawa ng Pangulo upang pasalamatan ang tapat na serbisyo ng mga sundalo sa ilalim ng kanyang pamumuno at lubos ang pag-aalala ng Pangulo sa kapakanan ng mga sundalo kaya tiniyak nito na natanggap ng bawat sundalo ang benepisyong kanyang ipinaaabot.

Binigyang diin din ni Brawner na sa pagbisita ng Pangulo hindi ito nagbigay ng anumang utos na konektado sa eleksyon, hindi rin ito nagbitiw ng mga salita tungkol sa eleksiyon.

Tanging dalawang bagay lang ang binanggit ng Pangulo, ani Brawner. Ito ay ang kanyang pasasalamat sa mga sundalo sa serbisyong kanilang ginawa para sa bansa, at pagpapaalala sa mga sundalo hinggil sa benepisyong kanyang ibinigay lalo na sa pagpapataas ng sahod ng mga ito. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines