Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: ARMM, naglunsad ng teacher's welfare campaign

by RM Padua

Koronadal City (11 February) -- Sinimulan na ng bagong administrasyon ng Department of Education (DepEd) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang kampanya laban sa iligal na kontribusyon mula sa tinatanggap na cheke ng mga guro. Napabalitang laganap ang katiwaliang ito lalo na sa Lanao del Sur.

Personal na ipinamahagi ni Dep-ed ARMM Secretary Hamid Barra sa mahigit 10,000 guro mula sa limang school divisions ng Lanao del Sur ang kanilang mga cheke para sa buwan ng Enero. Si Barra ay bagong hirang na DepEd Secretary at nasa ika-anim na araw pa lang sa kanyang serbisyo nang kanyang ipamigay ang mga cheke noong Sabado.

Sinabi ni Barra na inutusan sya ni ARMM Governor Ansaruddin Alonto-Adiong na siguraduhing walang gurong uuwi na walang dalang cheke.

Ang kauna-unahang interpersonal na pamamahagi ng cheke sa Lanao del Sur ay naglalayong mabawasan, o di kaya'y maiwasan ang mga kaso ng "illegal contributions." Diumano'y kinukunan ng mga local education officials ng hanggang P1,700 ang bawat guro kada buwan.

Binigyang diin ni Barra na determinado syang magpatupad ng mga reporma sa edukasyon sa ARMM batay sa apat na core values: knowledge, faith, virtue at practice. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines