Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Paglabag ng DENR, iba ahensya sa pag-iisyu ng ECC sa INTEX inimbestigahan ng Kongreso

Calapan City (11 February) -- Dalawang buwan matapos na pansamantalang-pinawalang bisa ni dating DENR Secretary Joselito A. Atienza noong Nobyembre 27 ng nakaraang taon ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Intex Resources sa proyekto nitong Mindoro Nickel Project sa isla ng Mindoro, hindi tumitigil ang pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa pagtitiyak na patuloy na mapapangangalagaan ang kapaligiran, kalikasan at kinabukasan ng lalawigan ng Oriental Mindoro at mga Mindoreņo.

Enero 27, humarap ang mga lider ng lalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Arnan, sa mga myembro ng Kongreso kaugnay sa imbestigasyon sa diumano'y paglabag ng mga ahensya ng pamahalaan sa pag-iisyu ng nabanggit na ECC at iba pang mining permits sa isla ng Mindoro.

Ang nabanggit na pagdinig ay ipinatawag kaugnay sa isinumiteng House Resolution No. 01492 ni ALAGAD Party-List Representative Diogenes Osabel na member for the Majority ng Ecology at Reforestation Committees.

Nauna na rito, sa naging talumpati ni Rep. Osabel sa Kongreso noong Nobyembre 17 kaugnay sa nabanggit na usapin, binigyang-diin niya na ang "proyektong pagmimina ay mahigpit na tinututulan ng Mindoreno, mula sa pangkaraniwang mamamayan, civil society organizations, taong Simbahan, hanggang sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan ng Mindoro, na ang iba ngayon ay kasama natin. Nakapagtataka at nakakaalarma na mabigyan ng mineral production sharing agreement, free prior informed consent at environmental compliance certificate ang Mindoro Nickel Project sa kabila ng pagtutol ng mga katutubo, ng mga lokal na pamahalaan, mula barangay, bayan, syudad, at lalawigan at ng mga Mindoreņo."

Sa nabanggit na pagdinig, pinasalamatan ni Gobernador Arnan si Representative Osabel sa paninindigan nito at pagtulong sa mga mamamayan ng Mindoro para maiwasto ang pagkakamaling nagawa ng mga ahensya ng pamahalaan sa usapin ng pagmimina sa isla. Binigyang-diin ng Gobernador ang mga batas na nilabag ng DENR at iba pang ahensya sa pagbibigay ng ECC sa Intex. Sinabi ng Gobernador na siya'y natutuwa na mayroong isang katulad ni Cong. Osabel na tumayo sa Kongreso upang ipaglaban ang mga mamamayan ng Mindoro na patuloy na tumututol sa malawakang pagmimina sa kanilang lalawigan. Lubos ang pasasalamat ni Gobernador Arnan kay Cong. Osabel ng ALAGAD Party-list sa kanyang pagiging tinig sa Kongreso ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro sa kanilang paglaban sa pagmimina.

"Natutuwa kami at naninindigan si Representaive Osabel at tumutulong sa mga taga-Mindoro para maiwasto ang sa ami'y paninindigang pagkakamali na ginawa ng Department of Environment and Natural Resources at ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng ECC sa Intex. Maraming salamat po Congressman Osabel sa pagtulong ninyo sa amin. We support the resolution of Congressman Osabel calling for the investigation. Based on the provisions of the Local Government Code of 1991, public consultations must be conducted prior to the implementation of projects like these mining operations and that the consent of the Sanggunian concerned must first be obtained. Likewise, Section 19 of the Mining Act prohibits mining operations on identified watershed and ancestral domain areas and the areas they plan to mine are critical watershed areas and ancestral domain lands of our Mangyan minorities. They also violated the existing 25-year mining moratorium passed by our Sangguniang Panlalawigan prohibiting the operations of large scale mining in the province of Oriental Mindoro for 25 years. Also former DENR Sec. Heherson Alvarez, during his term cancelled the MPSA in 2001 on the grounds that the proposed mining sites are located within the watershed areas. These are all patent and culpable violations under the law."

Ipinahayag pa ng Gobernador na ang pangangalaga at proteksyon sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa ang mandato ng DENR at dapat ay ito ang ginagawa ng tanggapan.

Dumalo rin sa nabanggit na pagdinig sina Bise-Gobernador Maria Estela Felipa M. Aceron at Provincial Administrator Atty. Adel C. Abas.

Ayon kay Bise-Gobernador Estee, maliban sa paglabag sa mga umiiral na batas, ipinawalang-saysay din, aniya, ng DENR at ng iba pang mga ahensya ang rekomendasyon ng itinalagang Review Committee na huwag aprubahan ang mining operations sa lalawigan at sa halip ay nagpalabas pa ito ng nabanggit na ECC.

Ang nabanggit na pagdinig ay pinangunahan ni South Cotabato 2nd District Representative Arthur Pingoy na kasalukuyang vice-chairman ng house committee on natural resources.

Hiniling ni Congressman Osabel sa mga kinatawan ng DENR na magsumite sa Kongreso ng mga mahahalagang papeles kaugnay sa pag-aapruba ng kanilang ahensya sa ECC ng Intex.

Umaasa si Gob. Arnan na papanigan ng Committee on Natural Resources ang mga puntos na idiniin niya at ni Bise-Gobernador Aceron sa nasabing hearing. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines