Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: May livelihood-skills training para sa kabuhayan ng mga Mindoreņo

Calapan City (11 February) -- Sa panahong ang lahat ay apektado ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, nararapat lamang na makapagbigay ang pamahalaan ng mga proyektong tiyak na makatutulong upang magkaroon ng hanapbuhay at dagdag-kita ang mga mamamayan.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa pagtatapos sa meat and fish processing training ng mga kababaihan ng iba't ibang barangay ng Pinamalayan. Ang halos isang buwang livelihood training ay itinaguyod ni SEC Commissioner Atty. Thaddeus Venturanza bilang bahagi ng pagtataguyod niya ng alternative learning system sa iba't ibang bayan sa lalawigan. Ang pagsasanay sinimulan noong Enero 5 at nagtapos noong Enero 30.

"Ang aking pamunuan ay patuloy ring nagbibigay ng tulong-puhunan upang matulungang magkaroon ng kabuhayan ang mga mamamayan. Sa ilalim ng SEA-K at LIKHA-KA ay nabibigyang-oportunidad na magkaroon ng pagkakakitaan ang mga nangangailangan nating kababayan. Marami nang nabigyan ang Kapitolyo ng puhunan para sa food vending, sari-sari store, pag-aalaga ng mga hayop at iba pang maliliit na negosyo," ayon sa gobernador.

Bukod pa ito sa mga pagsasanay sa reflexology, shielded metal arc welding, motorcycle and cellular phone repair na naipagkaloob na ng pamahalaang panlalawigan sa napakaraming bilang na ng samahan at mamamayan.

Ayon pa gobernador, ang mga ganitong programa ay direktang sumasagot sa pangangailangang pangkabuhayan ng mga mamamayan. "Bagamat maliit na proyekto lamang ay isa naman ito sa direktang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Hindi ito katulad ng ibang proyekto na nalalagyan natin ng karatula pero isa naman ito sa napakalaking epekto ang naibibigay sa mamamayan. Sa panahon ngayon ay kailangang-kailangan ang may mapagkakakitaan at ito ang mga katulad na proyekto ang sagot ng pamahalaan," ayon pa sa gobernador.

Naging katuwang ng tanggapan ni Atty. Tady na opisyal na kandidato bilang kongresista ng ikalawang distrito, ang Philippine Federation of Local Councils of Women, Inc.

Kasamang dumalo ni Gobernador Arnan sa nasabing pagtatapos si Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado. Sumuporta rin sa okasyon si Bokal Romeo Buenaventura na nagpahayag na ng kanyang pagnanais na patuloy na maglingkod hindi na bilang kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan kundi maging punong bayan ng Pinamalayan. Kasama ni Bokal Jun ang kanyang mga napiling mga katuwang sa paglilingkod sa nasabing bayan.

Naroon din sina Roxas Municipal Councilor Joy Solabo at Gloria Municipal Councilor Cris Bawasanta na mga kandidatong bokal ng ikalawang distrito sa partido ni Gobernador Arnan. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines