Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Oriental Mindoro, may universal coverage na ng PhilHealth

Calapan City (11 February) -- Isang programang pangkalusugan na tiyak ang benepisyo sa mga mamamayan.

Ito ang Programang PhilHealth Para sa Masa na masigasig na ipinatutupad ng pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan.

Ayon kay Chief Social Health Insurance Officer at Philhealth Oriental Mindoro Service Office Chief Virginia Abao, may Philhealth Universal coverage na ang Oriental Mindoro sa kasalukuyan.

Disyembre nang nakaraang taon, aniya, nang umabot sa 74,072 mamamayan o lampas sa target na 73,000 PhilHealth enrolees sa buong lalawigan, ang mapalad nang napabilang sa programang Philhealth ni Gobernador Arnan.

Sa bilang na ito, aniya, kung susumahin, sa limang myembro sa bawat pamilya, nasa humigit-kumulang na sa 370,360 ang nagbebenipisyo ngayon sa PhilHealth sa buong Oriental Mindoro.

Ayon pa kay Philhealth Chief Abao, tunay na isa sa mga programang malaki ang naitutulong sa mamamayan ang Philhealth para sa Masa ni Gobernador Arnan.

Ipinaliwanag niya ang mahalagang papel na ginagampanan ni Gobernador Arnan sa pagtitiyak na naipagkakaloob sa mga Mindoreņo, partikular sa mahihirap na mamamayan, ang mura at abot-kayang serbisyong pangkalusugan na nararapat lamang tanggapin ng bawat mamamayan.

Ipinapaabot ni Gng. Abao, sa ngalan ng kanyang mga kawani, na laging bukas ang kanilang tanggapan sa anumang mga katanungan o suliraning may kaugnayan sa Philhealth at sa mga benepisyong maaaring matanggap ng mga myembro nito. Maaaring magsadya sa kanilang tanggapan sa Brgy. Ibaba East sa Lungsod ng Calapan o tumawag sa telepono bilang 043-288-3551 o s 441-0421. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines