Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Pinaigting ugnayan ng barangay officials ng Calapan City at ng lalawigan

Calapan City (11 February) -- Ang matibay na pag-uugnayan ng administrasyong Panaligan at mga opisyal ng mga barangay para sa higit pang pagsusulong ng kaunlaran ng syudad ng Calapan ay higit pang umiigting para sa lalo pang pagsusulong ng kaunlaran na nagsimula noong kasalukuyang naglilingkod pa bilang mayor ng syudad si Gobernador Arnan.

Nananatili ito sapagkat kinikilala ni Gobernador Arnan ang napakalaking ambag ng mga opisyal ng barangay sa anumang pagpupunyaging pangkaunlaran ng pamahalaang panlalawigan.

Ang pagkilalang ito ay malinaw na inihatid ng gobernador sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal sa pagpupulong ng Barangay Kagawad Assembly of the Philippines-Calapan City Chapter na pinamumunuan ni Konsehal Agustin "Ting" Bolor.

"Noong ako ay mayor pa ng Calapan, may direktang ugnayan sa inyong lingkod ang mga opisyal ng barangay. Sa araw-araw, halos mga kagawad at mga kapitan ng barangay ang aking kausap sa aking tanggapan. At noong ako ay umupo bilang gobernador ay hindi ko binago ang sistemang ito. Direkta pa rin kayong nakakapag-usap sa inyong lingkod. Ang direkta nating pag-uugnayan ay kinikilala ko bilang isa sa mga dahilan upang patuloy nating maisulong ang kaunlaran sa syudad ng Calapan," ayon sa gobernador.

Ayon pa gobernador, dahil sa sensitibong papel ng mga kagawad sa pagpapasa ng mga batas at alituntunin sa barangay, nararapat lamang ang pagsailalim sa mga pagsasanay upang higit na maging epektibo ang paglilingkod-bayan.

"Ang liga ng mga kagawad ay binuo hindi para kalabanin ang mga kapitan. Hindi kayo nararapat na maging dekorasyon o para magkaroon lamang ng quorum ang mga pagpupulong. Napakahalaga ng papel na inyong ginagampanan sapagkat ang mga batas na ipinatutupad at mga mahahalagang resolusyon sa isang barangay ay kayo ang nagpapasa. Kayo ring mga kagawad ang nagbibigay-kapangyarihan sa paggastos ng pondo ng barangay. Kailangan ay mayroon kayong mga sapat na kaalaman at kasanayan upang maging akma at tama ang inyong mga pagkilos. Sa pagsailalim ninyo sa mga pagsasanay, ang inyong mga ipanunukala at ipapasang resolusyon ay iyong mga naayon rin sa batas. Sa ganitong paraan, hindi kayo magkakaroon ng problemang ligal sa hinaharap," dagdag pa ng gobernador.

Ayon naman kay Bise-Gobernador Maria Estela Felipa M. Aceron-Bisnar, sa kanyang patuloy na paglilingkod sa mga mamamayan ng lalawigan ay iisa lamang ang tiyak niyang kailangan upang maging epektibo ang serbisyo-publiko --- ang katapatan sa Diyos at katapatan sa kapwa.

Kaugnay nito, ipinaabot ni Konsehal Bolor ang ipinasang kahilingan ng liga na inaprubahan ng Gobernador Arnan para sa isang daang libong pisong panimulang pondo ng samahan ngayong taon. Matatandaang P100,000 na rin ang naibigay na financial assistance ng administrasyong Panaligan sa liga noong nakalipas na taon. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines