Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: PDRT: Aktibong katuwang sa pagseseguro ng kaligtasan ng mamamayan

Calapan City (11 February) -- Nang itatag ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang provincial disaster response team noong taong 2006, ang tanggapang ito ay naging isa na sa mga pangunahing katuwang ng iba't ibang lokal na pamahalaan at samahan sa mga panahon ng kalamidad at pagseseguro ng kaligtasan ng mga mamamayan.

Hinasa sa iba't ibang trainings, ang mga taga-PDRT ay mayroong mga akmang kasanayan at kaalaman sa pag-alalay at pagresponde sa mga biktima ng sakuna at maging sa pagsagip ng buhay at mga ari-arian.

Sinikap din ng pamunuan ni Gobernador Arnan na magkaroon ng mga kagamitan at kailangang rescue equipment ang PDRT para sa mas epektibo nitong pagganap ng kanilang tungkulin.

Disyembre nang nakalipas na taon, sa paglubog ng barkong M/V Baleno, ang PDRT ang isa sa mga kaagad na sumaklolo at tumulong sa mga biktima ng trahedya sa dagat.

Ang PDRT rin ang isa sa mga unang-unang rumesponde nang ang ilang barangay sa bayan ng Naujan ay lumubog sa baha noong Enero 17. Sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang tanggapan at ahensya ay maagap silang nakapaglikas ng mga residente sa mga apektadong barangay. Kasama rin sila sa pagkuha ng bangkay ng labing-tatlong taong gulang na nasawi sa baha.

Katulong din ang PDRT sa pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng relief goods sa mga biktima ng nasabing pagbaha.

Aktibo rin ang PDRT sa pagbibigay ng mga pagsasanay at kaalaman sa mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad sa iba't ibang paaralan. Nakapagbigay na rin ang PDRT ng first aid training sa Mansalay Catholic School, Melgar National High School sa Naujan, San Mariano Academy sa Roxas at sa Demolay. Water safety training naman ang naibigay na nito sa Girl Scouts of the Philippines.

Magpapatuloy ang PDRT sa pagtupad sa tungkulin nitong makatulong sa pagseseguro ng kaligtasan ng mga mamamayan. Mananatili itong maaasahang katuwang sa panahon ng kalamidad at kagipitan sapagkat walang hangad ang administrasyong Panaligan kundi ang maitiyak na ligtas at may handang umalalay sa lahat ng mga nasasakupan nito sa mga panahong kinakailangan. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
»Feature: A big day for NSU
»Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
»Economic crisis affects education sector
»Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
»Solon wants probe on HIV/AIDS fund
»Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
»NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
»Ateneo de Davao University hosts jobs fair
»Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines