Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/11

Tagalog News: Scholarship para sa mga kawani ng pamahalaan, bukas na

Calapan City (11 February) -- Bukas na ang aplikasyon sa scholarship sa masteral degree course sa isang taong libreng pag-aaral para sa mga kawani ng pamahalaan.

Itinataguyod ng ng Civil Service Commission, ang eksaminasyon para rito ay nakatakda sa Marso 28.

Para maging kwalipikado sa naturang scholarship, kinakailangang ang aplikante ay isang permanenteng empleyado ng pamahalaan nang hindi bababa sa tatlong taon, tapos ng bachelor's degree, may magkasunod na performance rating na "Very Satisfactory" sa pinakahuling dalawang performance rating period at hindi pa nakakakuha ng master's degree. Kinakailangan ding ang aplikante ay hindi nasasangkot sa anumang administratibo o kriminal na kaso sa nakalipas na tatlong taon at may malusog na pangangatawan.

Maaari rin sa naturang scholarship ang mga empleyadong nakakuha na ng master's units at nasa thesis writing na, na gustong makatapos ng kanilang masteral degree course. Maging ang mga empleyadong may pending administrative cases subalit hindi pa lumalabas ang resulta ng kaso, mga empleyadong may co-terminous appointment na mapatutunayang nakatutupad naman sa kanilang obligasyon at hindi kamag-anak ng hepe ng kanilang tanggapan hanggang sa fourth degree of consanguinity or affinity.

Sa mga mag-a-apply kinakailangang dalhin sa tanggapan ng Civil Service Commission sa Kapitolyo ang mga sumusunod:

  • Mag-fill-up nang application form na maaaring makuha sa pinakamalapit na CSC Field Office;

  • Apat na kopya ng pinakahuling ID picture na may sukat na 1.5" x 2" at may pangalan sa likod;

  • Orihinal at xerox copy ng isang valid ID card;

  • Xerox copy ng performance rating sa huling dalawang magkasunod na rating period, diploma sa kolehiyo at sertipiko ng pagtatapos; at

  • Service record sa huling tatlong taon

    Sa mga interesado, makipag-ugnayan sa CSC Field Office sa Kapitolyo o tumawag sa telepono bilang 286-7019. (Provincial Information Office/PIA-MIMAROPA) [top]

  • |«  prev  next  »|
    DAILY NEWS LIST:
    »NSU inauguration, installation of new university president set Thursday
    »Feature: A big day for NSU
    »Enterpre-Nurse coop organized in Davao Norte
    »Economic crisis affects education sector
    »Magsaysay Park as hub of Chinatown festival
    »Solon wants probe on HIV/AIDS fund
    »Mori pledges continued support to 4Ps in Caraga
    »NEDA bares Davao Region 2009 economic performance, 2010 growth outlook
    »Ateneo de Davao University hosts jobs fair
    »Pag-IBIG Davao conducts saturation drive for RA 9679
    |«  prev  next  »|

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines