Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 21 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/12

Tagalog News: Bulacan wagi sa HREP Patnubay Award

Lungsod ng Malolos (12 February) -- Muling kinilala ang husay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan makaraang pagkalooban ito ng Patnubay Award mula sa Hotel and Restaurant Educators of the Philippines (HREP) bunsod ng patuloy na kontribusyon sa promosyon at pagpapaunlad ng hospitality education sa probinsiya.

Sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office (PTO), kinilala ang Bulacan dahil sa pagsisikap nitong ipatupad ang mga proyekto na magsusulong sa kaalaman at kakayahan ng mga manggagawa sa industriya ng turismo sa lalawigan.

Ayon kay Dinia Quetua, Provincial Toursim Officer, ito ang unang pagkakataon na ipinagkaloob ang nasabing award sa isang grupo na nasa kategorya ng gobyerno.

Aniya, umangat ang Bulacan sa group category dahil sa patuloy na pagkakaloob nito ng mga seminar ukol sa Water Safety and Basic First Aid para sa mga lifeguard, Customer Relations, Mabuhay Host para sa mga hotel/resort front desk personnel, Resort Marketing and Management, at Culture of Tourism.

Patuloy din ang pagtulong ng lalawigan sa marketing at promosyon ng mga resort/hotel at iba pang produkto at serbisyong pangturismo sa pamamagitan ng mga travel mart, travel and tour expo at iba pang caravan.

Samantala, ipinabatid naman ni Gob. Jonjon Mendoza ang kanyang kasiyahan makaraang tanggapin niya ang tropeyo at medalyon sa ginanap na lingguhang pagtataas ng watawat kamakailan.

"Sa dalawang taon at mahigit kong panunungkulan, lahat ng award nakuha ko na. Wala na akong mapag-displayan. Pero ito ay hindi ko nakuha ng mag-isa. Katuwang ko kayo sa pagkamit ng tagumpay para sa ating lalawigan," aniMendoza.

Kabilang sa mga una nang pinarangalan para sa government category sina Usec. Evelyn Pantig, Gina Gabor, Sen. Richard Gordon, Cynthia Lazo, Dr. Alcetis Guiang at Atty. Ma. Victoria Jasmin.

Ipinagkaloob ang nasabing karangalan noong ika-29 ng Enero sa Manila Polo Club sa Makati. (PPAO thru PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»SSS members can now have easy access to internet
»Feature: 2010, year for census on population and housing
»UP Kontra-GaPi ethnic music and dance group to perform in Davao on Feb. 12-14
»Tagum's Welfare Code for Children now an ordinance
»Unionbank opens 181st branch in Dumaguete
»Negros Oriental State University scores 100% in 2009 nursing licensure exam
»1st Sidlakang Negros Int'l Festival opens February 12
»P31.5M KBP infra projects ongoing in Negros Oriental
»CLOA distribution highlights Siquijor Halad sa Katawhan
»Pregnant women must give birth in hospital, says Pangasinan Gov
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines