Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/12

Tagalog News: Lathalain: Importansya ng protina

by Victor J. Alfonso, Jr.

Butuan City (12 February) -- Alam ba ninyo na tumaas ang dami ng kinakain nating protina kagaya ng sustansyang nakukuha sa karne? Ito ay ayon sa 6th National Nutrition Surveys (NNS) ng Food and Nutrition Research Institute ng Departement of Science and Technology (FNRI-DOST) na ginawa noong 2003.

Mula 147 gramo noong 1993 tumaas ito sa 183 gramo ng 2003. Dahil dito, masasabing 99.0 porsiyento sapat na nakukuha ng mga Pilipino ang kinakailangan nilang protina.

Ang protina ay kailangan sa tamang paglaki ng isang tao. Ang katawan ay kailangan din nito upang mapatiling maayos ang mga himaymay na nasira sa pagkasakit o labis na pagod.

Ang protina ay binubuo ng mas maliliit na parte na tinatawag na amino acids. Mayroong dalawang klase ang amino acids - ang essential at non-essential amino acids. Ang essential amino acids ay hindi kayang gawin ng ating katawan. Ang mga ito ay makukuha lamang natin sa pagkain.

Mayaman sa 10 essential amino acids ang mga karne samantalang walong amino acids lamang ang galing sa halaman. Ang halaman ay kulang ng lysine at tryptophan kung saan ang tryptophan ay importante dahil ito ay kailangan sa paggawa ng bitaminang niacin.

Ang niacin ay kailangan upang magamit ang enerhiyang makukuha sa lahat ng uri ng pagkain, kagaya ng kanin, karne o taba. Ang niacin ay tumutulong lumaban sa mga karamdaman katulad ng sakit sa balat na pellagra.

Ang lysine naman ay kailangan sa pagbubuo ng elastin at collagen na nagpapalakas ng muscles at nagpapatibay ng buto. Ang protina galing sa karne ay matatawag na makalidad na uri ng protina o may "high biological value".

Kapag sapat at magandang kalidad ang protinang kinakain, tataas ang resistensya laban sa sakit at impeksyon dahil makakagawa ng mas maraming immune cells, gaganda ang pag-aaral o pagtratrabaho dahil iwas sa sakit at pagliban sa klase o trabaho.

Dapat tayo ay kumakain ng makalidad na protina na nanggagaling sa tamang dami ng karne. Kumain din ng sapat na gulay at prutas upang mabalanse ang kinakain. Ito ang magiging pangunahing hakbang tungo sa isang malusog at malakas na bansa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa protina, sumulat o tuwawag sa FNRI kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City; Tel./Fax: 837-2934/837-3164 837-2071 loc 2287 e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph, mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»SSS members can now have easy access to internet
»Feature: 2010, year for census on population and housing
»UP Kontra-GaPi ethnic music and dance group to perform in Davao on Feb. 12-14
»Tagum's Welfare Code for Children now an ordinance
»Unionbank opens 181st branch in Dumaguete
»Negros Oriental State University scores 100% in 2009 nursing licensure exam
»1st Sidlakang Negros Int'l Festival opens February 12
»P31.5M KBP infra projects ongoing in Negros Oriental
»CLOA distribution highlights Siquijor Halad sa Katawhan
»Pregnant women must give birth in hospital, says Pangasinan Gov
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines