Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/12

Tagalog News: Lathalain: Mga tips para sa anak na pihikan sa pagkain

by Ma. Idelia G. Glorioso

Butuan City (12 February) -- Kalimitang maririnig sa mga bata ang "ayaw kong kumain", o "ayaw ko ng pagkain".

Kung kaya kalimitang namang maririnig sa mga magulang ay; "paano mahihikayat ang mga bata na kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain lalo na ng gulay at prutas"?

Bilang magulang, dapat maintindihan na ang pagiging pihikan ng mga bata sa pagkain ay normal lang, sa dahilan na ang kanilang panlasa ay kaiba sa mga matatanda.

Ang mga bata ay sensitibo sa kulay, lasa, texture, laki ng dulot at temperatura ng pagkain.

Narito ang maaaring gawin upang mahikayat ang mga bata na kumain ng sapat:

  • Ang kaugalian sa pagkain o food habits ay kailangang mahubog habang bata pa. Dapat matuto ang mga bata na kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain habang bata pa sila. Bilang magulang dapat maging halimbawa o modelo ng kaugalian sa pagkain. Tandaan natin na ang mga bata ay great imitator o magaling manggaya.

  • Limitahan ang pagbibigay ng merienda. Siguraduhin na malayo sa oras ng main meals ang merienda.

  • Huwag pilitin ang bata na kumain. Magiging dahilan lang ito ng lalong pag-ayaw sa pagkain.

  • Huwag gamitin ang pagkain na premyo o parusa sa bata. Ang pagkain ay kailangan para sa malusog na pangangatawan at ito ang dapat nating ipaunawa sa kanila.

  • Maging artistic sa paghahanda ng pagkain upang mahikayat ang bata na kumain. Gumamit ng ibat-ibang hugis at kulay kapag naghahanda ng pagkain.

    Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI-DOST, ang pangunahing ahensiya ng gobyerno sa pananaliksik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service) [top]

  • |«  prev  next  »|
    DAILY NEWS LIST:
    »SSS members can now have easy access to internet
    »Feature: 2010, year for census on population and housing
    »UP Kontra-GaPi ethnic music and dance group to perform in Davao on Feb. 12-14
    »Tagum's Welfare Code for Children now an ordinance
    »Unionbank opens 181st branch in Dumaguete
    »Negros Oriental State University scores 100% in 2009 nursing licensure exam
    »1st Sidlakang Negros Int'l Festival opens February 12
    »P31.5M KBP infra projects ongoing in Negros Oriental
    »CLOA distribution highlights Siquijor Halad sa Katawhan
    »Pregnant women must give birth in hospital, says Pangasinan Gov
    |«  prev  next  »|

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines