Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/12

Tagalog News: Mga negosyante todo ingat sa kidnappers; pulisya bigong makuha ang kooperasyon ng mga nabiktima

Masbate (12 February) -- Ngayong panahon ng eleksyon, todo ang pag-iingat ng mamamayang negosyante sa Masbate na hindi sila ang susunod na makidnap matapos na magbayad ng malaking ransom ang pamilya ng dinukot ng mga kidnappers nang nakaraang buwan.

Ito ang isiniwalat ng lider ng mga negosyante sa Masbate sa pulong ng Masbate City Peace and Order Council matapos na kanyang punahin ang aniya'y kawalan ng police report tungkol sa mga insidente ng high-profile kidnapping na naganap kamakailan sa lalawigan.

Ayon sa pangulo ng Masbate Business Club na si Willy Piliņo, ang banta ng kidnapping for ransom ang palaging pinag-uusapan sa mga pulong ng mga kasapi ng business club.

Sa kanyang reaksiyon, inamin ng chief of police ng Masbate City na si Supt. Jeffrey Fernandez na ang kidnap for ransom cases sa Masbate ay "open secret" na sa publiko.

Nilinaw ni Supt. Fernandez na ang elite anti-kidnapping unit ng Philippine National Police na tinatawag na PACER o Police Anti-Crime Emergency Response ang humahawak ng kaso kaya walang report ang pulisya ng Masbate.

Aniya, nagsagawa din ng pagsisiyasat ang pulis sa Masbate subalit hindi nakipagtulungan sa imbestigasyon ang mga biktima.

Tinukoy ng business club president at ng chief of police ang pagdukot sa anak ng mayamang negosyante sa bayan ng Uson nang nakaraang Decemeber 1.

Ayon sa malapit na kamag-anak ng biktima, nagbayad ng malaking ransom ang pamilya ng biktima.

Isang negosyanteng instik din ang dinukot sa mismong kabisera ng Masbate kamakailan subalit ito ay agad nakatakas sa kanyang kidnappers.

May hinala ang lider ng Masbate Business Club na ang kidnapping sa Masbate ay fund raising para sa eleksyon ng ilang pulitiko. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»SSS members can now have easy access to internet
»Feature: 2010, year for census on population and housing
»UP Kontra-GaPi ethnic music and dance group to perform in Davao on Feb. 12-14
»Tagum's Welfare Code for Children now an ordinance
»Unionbank opens 181st branch in Dumaguete
»Negros Oriental State University scores 100% in 2009 nursing licensure exam
»1st Sidlakang Negros Int'l Festival opens February 12
»P31.5M KBP infra projects ongoing in Negros Oriental
»CLOA distribution highlights Siquijor Halad sa Katawhan
»Pregnant women must give birth in hospital, says Pangasinan Gov
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines