Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/12

Tagalog News: Tanggapan ng mayor sa Masbate, ni-raid

Negatibo sa malalakas na kalibreng baril

Masbate City (12 February) -- Samantala, sa isa pang kaganapan dito sa lalawigan ng Masbate, nasaksihan din ng mga mamamayan dito na walang sinasanto ang Police Special Task Force Masbate kaugnay sa misyon nitong lansagin ang mga private armies.

Batay sa intelligence report na natanggap ng Special Task Force Masbate, agarang sinalakay ng mga police commandos ang tanggapan ng alkalde ng bayan ng Placer upang samsamin ang mga matataas na kalibre ng baril na diumano ay nakaimbak doon.

Pinangunahan ng ground commnder ng task force na si Police Senior Supt. Eddie Benigay ang paghalughog sa apat na sulok ng tanggapan.

Pagkaraan ng halos isang oras na paghalughog, walang nakitang baril o anumang armas kaya bumalik na sa kanilang kampo ang police commados.

Hindi naman ikinagalit ni Placer Mayor Joshur Judd Lanete ang warrantless search sa kanyang tanggapan.

Pagkatapos ng raid, nalaman ng Philippine Information Agency kay Senior Supt. Benigay na nang napaligiran na ng police commandos ang tanggapan ng alkalde, tinawagan niya ang alkalde sa cell phone nito at hiningi ang pahintulot nito na maghalughog ang police commandos.

Ayon kay task force commander, aprub naman agad sa alkalde na nasa ibang bayan ng maganap ang raid.

Ang alkalde ay anak ni Congresswoman Rizalina Lanete arch rival sa politika ni Congressman Antonio Kho.

Ang Special Task Force Masbate na may 100 commandos ay binuo ni Philippine National Police Director General Jesus Verzosa upang tulungan ang Commission on Election na gawing mapayapa at malinis ang eleksyon sa Mayo 10. (PIA Masbate) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»SSS members can now have easy access to internet
»Feature: 2010, year for census on population and housing
»UP Kontra-GaPi ethnic music and dance group to perform in Davao on Feb. 12-14
»Tagum's Welfare Code for Children now an ordinance
»Unionbank opens 181st branch in Dumaguete
»Negros Oriental State University scores 100% in 2009 nursing licensure exam
»1st Sidlakang Negros Int'l Festival opens February 12
»P31.5M KBP infra projects ongoing in Negros Oriental
»CLOA distribution highlights Siquijor Halad sa Katawhan
»Pregnant women must give birth in hospital, says Pangasinan Gov
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines