Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/13

Tagalog News: Globe cell site sa Mindoro, pinasabog

Paluan, Occidental Mindoro (13 February) -- Pinasabog bandang 7:40 ng umaga ng apat na rebeldeng NPA kamakailan ang Globe cell site sa Sitio Igsuso, Brgy Tubili, Paluan ng lalawigang ito.

Sa ulat ni LtCol Alden Masagca INF (GSC) PA, Battalion Commander ng 80th Infantry Battalion, na ipinadala kay Col Carlos F Quita INF (GSC) PA, Brigade Commander ng 203rd Brigade, napag-alaman na tinakot ng mga armadong NPA si Gilbert Marino, security guard na nagbabantay sa Globe cell site.

Inutusan ng mga armadong NPA ang security guard na tanggalin ang battery pack ng kaniyang cell phone at pinaalis sa lugar. Ayon sa security guard, nakarinig siya ng malakas na pagsabog mula sa kinaroroonan ng cell site pagkalipas ng ilang minuto na nakaalis sa lugar.

Sinira ng mga teroristang NPA ang 1 set ng power at rectifier system, 1 set ng radio transmission system, 2 air conditioning units at base transceiver system. Base sa imbestigasyon ng mga pulis, isang security guard lang ang kasalukuyang nagbabantay ng mga oras na iyon bago pasukin ang cell site.

Dahil sa pangyayari, malamang na nawalan ng hanap buhay ang security guards at magbunga ito ng paghihirap ng kaniyang pamilya.

Ang security guard ay naghahanap buhay ng marangal para lang kumita upang may maipakain at maitustos sa pag-aaral ng kaniyang pamilya at mga anak. Subalit sa ginawang ito ng mga teroristang NPA ay isang pamilya na naman ang mahirapan.

"Sabi ng mga NPA na sila ay para sa masa at pagbabago pero, ito ay isang malinaw na panlilinlang at pang-aabuso sa taumbayan. Pinipigilan nila ang pag-angat ng ekonomiya, sinisira ang Globe cell sites at walang habas na tinatakot ang mga ordinaryong taong naghahanap buhay kagaya namin," pahayag ng security guard.

Ayon kay Col Quita, ang mga teroristang NPA ay balakid sa pag-asenso sa isla ng Mindoro. Ang mga mamamayan na mismo sa lugar ang nagsabing "mga salot sa lipunan at balakid sa pag-unlad ng Mindoro ang mga NPA".

Matatandaan na sinunog ng mga teroristang NPA ang mga backhoe, bulldozers at dump trucks na gumagawa ng mga kalsada sa San Teodoro at Bulalacao, Oriental Mindoro noong taong 2007 at 2008 na naging dahilan kung bakit matagal ang pag-aayos ng daan sa malalayong lugar. (203rd Infantry Brigade/PIA-4B) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ICT employers prefer English-speaking skills over aesthetics
»JCI Durian City gears up for 2010
»All systems go for big events in Tagum
»DPWH XI finishes on time P3-B SONA projects
»MP approves aid to daycare workers
»Paracelis sees higher income from real property tax
»UCRIS rehab to start soon
»Kalinga starts rubber tree propagation project
»6th batch of senior citizens receives subsidy from 'Katas ng VAT'
»Agyao brings P445.1M to pave Kalinga roads in 2010
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines