Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/15

Tagalog News: Palasyo: Huwag idawit ang Malakanyang sa mga desisyon ng Comelec

Manila (15 February) -- Umaapela ang Malakanyang sa mga kritiko nito na huwag idawit ang Palasyo sa mga desisyon ng Commission on Elections (Comelec) lalung lalo na sa isyu ng election disputes.

Hinamon din ng Malakanyang sa mga kritiko nito na pangalanan ang mga Comelec commissioners na umano'y nagpapa-impluwensya sa Malakanyang hinggil sa desisyon nito sa mga election protests.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Gary Olivar, walang kinalaman ang Malakanyang sa desisyon ng Comelec na alisin sa puwesto sina Bulacan Governor Joselito Mendoza at Pampanga Governor Eddie Panlilio.

Dagdag pa ni Olivar, hindi pinakikialaman ng Malakanyang ang mga pasya ng Comelec bilang isang constitutional body.

Hindi rin umano dapat akusahan ang Palasyo sa nasabing pasya ng Comelec dahil lamang sa pagiging kaalyado ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kalaban ni Mendoza at Panlilio sa pulitika.

Si Roberto Pagdanganan na kalaban ni Mendoza sa Bulacan ay dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo samantalang si Lilia Pineda na katunggali ni Panlilio sa Pampanga ay kilalang taga-suporta ni Pangulo. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC-7 announces search for 2010 outstanding public officials and employees
»DOLE 6 releases P18-M for livelihood projects in 2009
»NCIP awards 40,000 ancestral domain titles to IPs in Cagayan Valley
»Power firm donates 11 computers, printers to Ifugao town
»Army recovers high powered firearms after Eastern Samar encounter
»Cebuano News: Central Visayas nangandam pagbontog sa El Niņo
»Cebuano News: Palasyo wala magduso paggamit sa mga contraceptives
»Cebuano News: RP Embassy sa Poland mipasabot sa mga reklamo sa mga OFWs didto
»Waray-Waray News: PGMA mabalik ha Mindanao para hin Agribusiness Legacy Tour
»Hiligaynon News: Gobyerno ginpasangkad ang kampanya batok sa HIV-AIDS
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines